6

12 0 0
                                    

Mukha akong panda paggising ko. Ang itim kasi ng dark circles ko sa mata. Huhuhu, naglagay ako ng konting concealer tapos bumaba na sa kitchen. Gutom na gutom na kasi ako.

Naabutan ko sina Mama at Papa na nagbe-breakfast. Waahhh, nagutom ako lalo ng makita yung bacon. Oops, kumakain na din yung unggoy, pero ayoko siya pansinin.

"Good morning po Ma, Pa."

"Good morning din, anong nagyari sayo hija? Napuyat ka ba kagabi?" Ipinaghila ako ni Harry ng upuan sa tabi niya, siyempre ayoko naman siya mapahiya kaya dun na ako umupo.

"Ah.. medyo lang po Ma. Nahirapan po kasi ako makatulog kagabi."

"Naninibago ka pa siguro dito sa bahay, ang tagal mo din kasing hindi nakauwi." Si papa. Oo magaling din siya magtagalog.

"Hindi po Pa. Dahil sa saging kaya po siya napuyat."

Putek. Muntik pa akong mabulunan nung sumingit si Harry. Kailangan pa talaga ipaalala? Kinurot ko siya sa hita sa ilalim ng mesa. Pero hinawakan niya yung kamay ko. Wrong move kasi natuliro bigla yung puso ko.

Nagtaka naman sila Mama at Papa. Nagpalit palit sila ng tingin sa amin tapos maya maya ay ngumiti si Mama. Kinikilig na namin samin, tss loveteam ba kami?

"Anong saging ba yung kinain mo,anak?" Hala. Nabulunan na naman ako for the 2nd time. Bakit ba ako ginigisa ng pamilya na 'to, hindi naman ako baboy.

"Ma, wag mo siya takutin. May phobia na kasi siya sa saging." Tapos kumindat siya sa akin. Hinila ko yung kamay ko na hawak niya, pero lalo niya lang pinisil yun.

"Naku, sana naman sa tulong ng saging mabigyan nyo na kami ng apo this year." Makahulugang ngumiti si Papa sa sinabi ni Mama. Ano daw? Eh magdidivorce nga kami diba,nakalimutan na ba nila yun? Kaya bakit kami gagawa ng baby? Tsaka pano naman makakagawa ng baby ang saging? You mean-----... sus ko po, pamilya nga talaga sila, pare-pareho kasi sila ng way of thinking. Pero hindi ako papayag na matupad yung gusto nila, sorry pero hindi ko mahal si Harry. Tsk. Bakit parang hindi ako sure sa sinabi ko? ○_○

Ngumiti na lang ako.

"Ma, pwede po ba akong sumabay sa inyo?" Great. Change topic na lang ako.

"Bakit hija, san ka pupunta?"

"Ahh, mag-aapply po sana ako ng work. Medyo nabobored po kasi ako dito sa bahay."

Totoo yun, nakakabored naman kasi talaga, ako lagi naiiwan dito at yung mga maid nila. Namimiss ko din yung work ko sa London, bilang freelance model pero gusto ko ngayon magwork ng related talaga sa course ko na Accountancy.

"Hmm, pasensya ka na hija kung hindi ka namin masyado naeentertain dito ah, alam mo naman, medyo madaming gawain sa company." Si Papa ulit.

Okay lang po yun, hindi naman kayo clown para ientertain ako. Joke hindi ko sinabi yun.

"Okay lang po yun Pa, hindi naman po ako bisita dito."

"Sabagay, ah Harry, bakit di mo isama minsan si Nadine sa farm?"

Tss, ano gagawin namin dun? Mamimitas ng prutas at aakyat sa puno? Boring naman nun, wag na lang haha.

"Okay Ma, sa weekend ipapasyal ko siya."

"Okay good, para malibang din naman siya."

Naku, hindi naman ako nalilibang pag kasama itong baliw na 'to, nasstress nga ako lalo eh.

"Ah sige po Ma. Maliligo lang po ako." Tapos hinila ko na yung kamay ko kay Harry, parang wala kasi talagang balak bumitaw.

"Sige hija, hintayin ka namin."

-----------------
After 30 mins.

Siyempre naligo pa ako at nag-ayos noh.

Pagbaba ko sa sala ay naabutan kong nanonood si harry ng news.

"Sila Mama?"

"Ang tagal mo, nauna na sila. Tara na."

"Ha? San tayo pupunta?" Iniwan ako nila mama? Sabi nila hihintayin nila ako? -__-

"Oo kasi ang bagal mo daw kumilos, nagmake up ka pa wala naman pinagbago." Pinatay niya yung tv tapos pinaglaruan yung susi niya.

"Heh! Sabihin mo laglag na naman pants mo sa beauty ko."

"Pants? Hindi ba brief? Haha joke."

"Gago, maniac!"

"Tss, ang lutong ah. Nakaka-turn off."

"Eh di maturn off ka, wala naman ako planong iturn on ka."

Umiling-iling siya tapos inakbayan ako papunta sa sasakyan niya, ano ba bakit ang sweet ng unggoy na 'to. Naamoy ko na naman yung perfume niya, nakakaadik, itanong ko kaya sa kanya yung brand? Para yun na din ipapabango ko. Haha, ang weird! Parang mas bet ko na amuyin sa katawan niya yun kesa yung nasa mismong katawan ko.

------------
Sa kotse niya, nagdadrive na siya para ihatid ako dun sa company na gusto ko pag-applayan. Nag-ring yung phone niya.

"Oh babe? Yes papunta na ako, ihahatid ko lang yung friend ko, yes, yes, sige. Ill be there in 20 minutes."

Tiningnan ko siya habang nakikipagusap sa phone. Nakasuot siya ng office attire kaya medyo nakakapanibago, mukha siyang serious na boss ngayon. Pag weekdays kasi ay sa company nila siya nagrereport tapos pag weekends ay sa farm naman. Busy-busyhan si lolo. Pero wait? Tama ba yung narinig ko? Babe daw? Ano yun may gf siya? Bakit baboy? Tss hindi sila bagay. Dejoke lang. Nagulat lang ako kasi may gf pala siya, akala ko kasi wala. Kasi akala ko hindi pa din siya nakaka-move on sa akin. Ang feeling ko talaga noh, eh 6 years na ang nakalipas mula nung mainlove siya sakin.

"Sigurado ka bang magaapply ka niyan?" Tanong niya tapos tumingin sakin saglit saka nagfocus sa kalsada.

"Oo naman, bakit?"

"Bakit ganyan yang suot mo? Parang magpaparty eh."

Chineck ko tuloy yung damit ko. Plain black na fitted sleeveless, striped mini skirt tapos 2 inches na white wedge? Pwede naman 'to pangapply diba? Bigla tuloy ako nag-dalawang isip kung tutuloy ako.

"Hello, office attire naman to ah, wala nga lang akong blazer. Nakalimutan ko kasi."

"Nakalimutan o sinadya?" Inabot niya sakin yung coat niya. Shit ang bango talaga.

"Anong gagawin ko dito?"

"Iuwi mo sa bahay tapos labhan mo. Kulit. Siyempre susuotin mo yan."

"Naku, hindi na okay lang ako." Binalik ko sa kanya yung coat niya, tapos binalik niya ulit sa akin.

"Susuotin mo yan o pauuwiin kita sa bahay? Pili ka." Hala, galit na si Manong. Sorry po Manong, hindi na mauulit.

"Okay fine, eto na oh, eto na oh, susuotin ko na po, eto na po nasuot ko na. Happy ka na?"

"Good.. dami mo sinasabi, susunod ka din pala."

Binelatan ko na lang siya. After 20 mins nakita ko na yung building na aapplayan ko.

"Ibaba mo na lang ako dito, ayun na yung building".

"Bakit diyan ka bababa, eh andun yung entrance."

"Siyempre, ayoko dun bumaba. Baka sabihin nila artista ako, agaw pansin haha."

"Weh, tindi mo ha. Baka may plano ka magpapansin diyan sa mga office boys na nakatambay kaya ka diyan bababa."

"Tse, ano ko cheap. Buti kung kasing guwapo ni Zayn yang mga yan. Tsaka diba hinihintay ka na ng gf mo. Sige na, dito na ko."

Umirap lang siya sakin pero hindi na kumontra. Pagkababang-pagkababa ko, pinaharurot niya ng sobra yung kotse niya. Bastos talaga, nakalunok yata ako ng alikabok.

Undying (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon