Chapter 1

9 6 2
                                    

"I love you, Wina Dominguez!" said an idiot using a megaphone. He was on the rooftop, smiling widely like the confession he did in front of many students and teachers was a brilliant idea.

Kasama niya pa ang mga teammate niya na tagahawak ng mahabang pink na banner na may nakasulat na: Wina, Can I Court You?

Wala na ba siyang ikaka-corny pa?

"Hindi ba si Nathan iyan ng baseball team?"

"Hala! Oo nga! Ang suwerte naman ni Wina!"

"Kainis naman, lahat na lang ng guwapong lalaki nagkakagusto sa babaeng iyon."

"Ang sweet naman! Sana ako na lang si Wina!"

"Nathan ko! Bakit siya pa!"

Napangiwi ako at napailing nang marinig ang mga sinasabi ng mga estudyanteng babae sa paligid ko. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung anong pinakain ni Frat sa mga ito at patay na patay sa kanya.

Ito ang unang araw ng klase ko bilang Grade 10 student sa Heris High. Ito rin ang huling taon ko sa junior high. And we are here gathered outside the class; typical scenario for first day of school.

Nasa stage na ang representatives para sa gaganaping flag ceremony, nakapila na nang maayos kada section ang bawat estudyante, at nakaayos na rin ang mga teacher pero, dahil kay Frat, naudlot iyon. Kaya ngayon, lahat ng tao rito sa school ay nakatuon ang atensyon sa isang Frat Nathan Lorenzo na nasa rooftop ngayon.

Who would have thought that this supposedly typical scenario will be used by Frat to profess his undying love for Wina?

Well, no one.

"Faith, minsan ba kinahiya mo si Frat?"

Napangisi ako nang marinig ang sinabi ni Laarni, a closed friend of mine. Nakatingala ang tingin niya kung nasaan si Frat.

I heaved a sigh. "Ano sa tingin mo?"

Nilingon ako ni Laarni at tinapik-tapik nang marahan ang aking balikat, na para bang sinasabi nito ay okay lang iyan, Faith. Naiintindihan kita.

Napailing at kiming ngumiti na lang ako sa dahil ginawa niya.

"Ms Santillan, puntahan mo si Mr. Lorenzo sa rooftop. Pababain mo. Unang araw palang ng pasukan ay gumagawa na agad siya ng eksena. At papuntahin mo na rin sa office ko pagkatapos ng flag ceremony," problemadong sabi ni Mrs. Lourdes sa akin, advisor namin.

Napabuntonghininga ako at tumango.

Balik na naman ako sa dati kong role sa school na ito. Ako lang naman daw kasi ang dakilang best friend ng idiot na iyon kaya lahat ng teacher na may kailangan sa kanya, sa akin palagi lumalapit.

Nakakasawa na.

Simula bata kami, lagi na lang siyang nagiging pabigat sa akin. Gusto ko ngang pabilisin ang oras at nang makatapos na ng junior high nang sa gayon ay mahiwalay na ako sa Frat na iyon.

I just want to enjoy my last year in here pero, hanggang nandyan si Frat, imposible iyong mangyari.

Kainis.

"Sige po, Ma'am," magalang na tugon ko.

"Samahan na kita, Faith." Tumango lang ako sa sinabi ni Laarni at nagsimula nang tumakbo papasok ng building.

Tumungo kami kung nasaan ang elevator, agad na pumasok doon, at pinindot ang number ng floor na pupuntahan namin.

"Anong tingin mo kay Wina?" Medyo nabigla ako nang tanungin sa akin iyon ni Laarni pero, nang makabawi ay nginitian ko siya.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon