Chapter 4

2 5 0
                                    

Even when I was outside of the bar called The Chillin', I could hear the loud music and the shouts of the people inside and could see the neon colors that came from disco lights.

I couldn't stop myself from biting my thumb because of uneasiness.

Hindi naman siguro niya ako ibebenta sa loob, right? Like gagawing prostitute? Don't tell me, nakuha niya ang mamahaling motor niya dahil sa mga illegal na gawain?

The heck! Ano ba itong pinasok ko?

Naiiyak na ako.

"Hey, what's your problem?" he worrily asked. I could see the sincerity in his eyes and even though I have negative thoughts lingering in my head, I still find him someone I can trust.

I don't know why I am feeling that I could trust him; why I am feeling comfortable with this complete stranger.

I gulped. "Hindi mo naman ako ibebenta sa loob 'di ba? Wala namang prostitution or illegal sa loob ano?"

Pagkatanong ko no'n ay nawala ang kunot sa noo niya at bigla na lang siyang humalakhak. Napatulala ako sa kanya.

The heck, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

Napasimangot ako. Nang mapansin naman niya iyon ay tumigil siya sa pagtawa at tumikhim. "All right, tingin mo ba ganoon akong tao?"

I looked at him from head to toe and slowly nodded my head. "Yup, itim kasi ang suot mo at may earrings ka pa. You are giving a vibe that you're a trouble," I said, nodding my head, convincing myself that what I have stated was a fact.

Na-offend naman ako nang humalakhak ulit siya. The nerve of this guy! Ba't ba siya tawa nang tawa kahit walang nakakatawa sa sinabi ko?

Nakakinis.

Maya-maya rin ay huminto siya sa pagtawa at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Bigla akong kinabahan dahil doon lalo na noong sumeryoso siyang tumingin sa mga mata ko.

"You have nothing to worry about. I'm not that bad," he said and smiled genuinely at me.

I gulped then nodded my head absentmindedly. He held my wrist, pulled me, and started to walk inside the bar.

Bakit pakiramdam ko talaga ay ginamitan ako ng spell ng isang ito para maging sunod-sunuran ako sa kanya?

At sumusunod ka naman, Faith?

Napailing ako sa sarili ko.

Nang nasa tapat na kami ng pintuan papasok sa The Chillin ay hinarang kami agad ng malaking guard na nakaitim, matangkad, at parang suki sa gym ang katawan. Nakatingin sa akin ang mamang guard ng bar na ito. Bigla tuloy akong napakapit sa damit ni Mr. BMW.

Hindi ko pala natatanong ang pangalan niya.

"Hindi p'wede ang minor dito at hindi rin p'wede ang ganyang suot." Agad akong napatingin sa suot ko nang sabihin iyon no'ng mamang guard. Oo nga pala, dahil hindi pa ako umuwi sa amin ay hindi pa ako nakapagpapalit ng damit at naka-uniform pa rin.

May binulong lang si Mr. BMW sa humarang sa amin at agad na kaming pinapasok. Litong napatingin naman ako sa kanya. Inunahan ko siya sa paglalakad at hinarang.

May binabalak talaga yata ang isang ito.

"What did you say to that man? Bakit tayo pinapasok? Paan—hoy! Kinakausap pa kita!" Napasigaw na lang ako dahil hindi niya pinansin ang tanong ko at nagmamadaling naglakad.

Kainis. Bakit ba kasi sumama pa ako sa kanya?

Kinuha ko naman agad ang phone ko sa aking bag at d-in-ial ang number ni Laarni pero, nagri-ring lang phone niya at hindi sinasagot. Kainis. Gusto ko sanang tawagan ang parents ko pero, baka mapagalitan lang nila ako kapag nalaman nilang wala ako kila Laarni.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon