Chapter 20

2 5 0
                                    

"Where did you go, Nate?" bungad na tanong ni Wina nang makababa kami. Halata sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang pagkawala ni Frat. At alam kong hindi niya rin nagustuhan na kasama ako ng boyfriend niya dahil sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Parang sasaksakin ako nang wala sa oras.

I tried my best not to roll my eyes in front of her. Ngumiti ako at binago ang usapan. "Nag-lunch na kayo?"

"Lunch? Hindi pa. Saan n'yo pala gustong kumain? Medyo nagugutom na ako," ani Gia habang hinihimas-himas ang tiyan. Nang magtagpo ang mga mata namin, kinindatan niya ako.

"Sabay na kayo sa amin kumain, bebe Nate, the more, the merrier, right sisters?" Lumapit si Danilo kay Frat at isinukbit ang kanyang kamay sa braso nito.

"Hey, hands off of my boyfriend, Danilo!" Tinulak nang bahagya ni Wina si Danilo palayo kay Frat at kumapit nang mahigpit sa braso ng huli.

Ang possessive. Hindi naman halatang patay na patay siya kay Frat. Parang dati si Frat ang patay na patay kay Wina a? Ano nang nangyari? Nag-iba yata ang ihip ng hangin.

Umirap si Danilo. "Ang damot a! Parang pahawak lang. Hmp. Hindi naman sa 'yo si bebe Nate forever. Maghihiwalay rin kayo!"

"So what? Inggit much?"

"Anong sabi mo, bitch?"

"Inggit na nga, bingi pa. Nice combination, right, Nate?" She leaned towards Frat and looked him in the eye, waiting for his response.

I observed Frat, I also waited for what he's going to say. And I couldn't help but shake my head when he nodded and agreed to her girlfriend. Nice, I haven't informed he's like that, the boyfriend who agrees with whatever her girlfriend says.

This is not the Frat I knew. Ganoon ba talaga kapag tinamaan ng pag-ibig?

Tumikhim ako. "Hindi pa tayo kakain?"

"Kumain na tayo para makaabot tayo sa awarding mamayang alas tres," Vivian said with her usual face, no emotion at all and started to walk.

"Right, tara na, Dani." Hinila ni Kesly si Danilo at sumunod kay Vivian. "Tara na, Gia, Faith," anito.

Tumango ako sa kanya. "Yeah, susunod kami." Lumapit naman sa akin si Gia at tiningnan sina Frat at Wina.

"Sasama ba kayo sa amin or nah?" tanong ni Gia. Halata sa boses niya ang pagkairita at nang tumingin ako sa kanya, hindi nga ako nagkamali, naka-crossed arms siya at seryosong nakatingin sa dalawa—halatang ayaw niyang sumama ang mga ito sa kanila.

Ito ang Gia na kilala ko. Bigla ko tuloy naalala iyong pakikitungo niya sa akin noon.

I shook my head and let out a sigh.

"We'll not join you, so enjoy eating without us. Let's go, Nate," Wina replied, pulled Frat, and started to walk away.

Nakita ko pang ngumiti sa akin si Frat, iyong pilit na ngiti na parang sinasabi na sorry.

Tumingin lang ako sa papalayo nilang bulto. Nabigla ako nang hawakan ni Gia ang pisngi ko. "You're much better than that bitch so don't cry."

Nang sabihin niya iyon, doon ko namalayan na may luha palang namutawi sa aking pisngi.

Agad ko iyong pinunasan at pilit na tumawa. "Hindi ako umiiyak 'no! Napuwing lang ako," palusot ko.

She smiled at me and nodded. "That's good. Ano, tara na?"

Ngumiti rin ako sa kanya at tumango. "Uhm, let's go."

---

Sa Chowking kami kumain at habang kumakain, puro bukambibig ni Danilo kung gaano niya ka-hate si Wina. At kung gaano kamalas si Frat na si Wina ang girlfriend nito.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon