Chapter 23

2 5 0
                                    

"Mamaya na ang dating ng ate mo. Aren't you going home?" Frat asked, opening the door of the guest room. He was holding a plate with a loaf of bread and a cup of coffee on it. "Oh, breakfast mo pala."

I smiled at him and nodded. Kinuha ko sa kanya ang hawak niya at inilagay sa mesa na nasa gilid ng kama. "Thanks, mamaya na siguro ako uuwi." Bumuntonghininga ako at umupo sa kama.

"Okay ka na?"

Tiningnan ko si Frat nang tanungin niya iyon. I wanted to say yes and he didn't have to be worried about me but I couldn't lie to him. If there's a person who knows me well, it's Frat.

I shook my head and smiled a little. Umupo ako sa kama. Siya naman ay umupo sa gilid ng kama at marahang tinatapik ang likod ko.

"Do you want to talk about it?"

"Nope, gusto ko munang mapag-isa. I'm sorry."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at marahang tumango. "All right, just remember that I'm always here for you. Bababa na muna ako. Ubusin mo 'yong breakfast mo, alam mo naman si Mom. Kukulitin ako no'n 'pag 'di mo naubos 'yan."

Mahina akong napatawa dahil sa sinabi niya. Na-imagine ko rin kasi ang hitsura ni Tita Alex habang kinukulit si Frat. Bigla tuloy akong na-guilty dahil sa problems ko, namomroblema rin ang mga tao sa paligid ko.

Bago naman lumabas ng kuwarto si Frat, muli niya akong nilingon. "H'wag ka na pala ulit umiyak, ang pangit mo na e!" sabi niya at malakas na tumawa; halatang nangangasar. Bwisit.

Dahil sa inis ko, binato ko siya ng unan pero ang huli, mabilis na umiwas at umalis ng kuwarto. Naririnig ko pa ang tawa niya sa labas.

Because of curiosity, I looked up for a mirror and when I saw one inside the mini-cabinet beside the bed, I quickly took it.

Tiningnan ko ang sariling mukha sa salamin at napangiwi na lang ako nang hindi ko makilala ang sarili dahil namamaga at pulang-pula ang gilid ng mga mata ko. Parang si Rudolf the rednosed reindeer din ang ilong ko.

"Hindi na talaga ako ulit iiyak."

***

"Thank you po, Tita Alex. Mauuna na po ako." Worriedness could be seen on Tita Alex's face.

"Sure ka, Sweety? Basta kapag may problema, p'wede namang dito ka muna. Kakausapin ko na lang ang mom mo."

"No, it's okay, Tita Alex. Pakisabi na rin po kay Frat na nauna na ako."

"Nasa'n ba ang batang 'yon? Pagkatapos ibigay sa 'yo ang breakfast, umalis na. Hindi naman siguro nababarkada sa bad kids si Frat, 'di ba, Faith?"

Ngumiti ako kay Tita Alex at tumango. "Hindi naman po. Baka kasama si Alfie at naglalaro ng basketball."

"Yes, sabi nga niya kasama niya si Alfie. Sige na pala, baka hinahanap ka na rin ng mom mo."

Pagkatapos kong mag-paalam kay Tita Alex, diretso na akong naglakad sa gate at lumabas. Parang tinatambol ang dibdib ko habang dahan-dahang naglalakad patungo sa bahay namin.

Nang nasa tapat na ako ng gate, nagpakawala muna ako ng malalim na hininga tsaka pumasok sa loob.

Nang makapasok sa bahay, naabutan ko si Mom na naglilinis ng sahig. Tahimik ang bahay.

"Oh, you're here. Nag-breakfast ka na ba?" bungad na tanong sa akin ni Mom.

Inalis ko ang suot na sapatos at pumasok na sa loob. "Yes po, bago ako umalis, pinakain ako ng agahan ni Tita Alex."

"Oh, okay."

"Nasa'n pala si Dad, Mom?" tanong nang mabatid na wala si Dad sa bahay. Tuwing weekends kasi, nasa salas si Dad at nanonood sa TV.

"Susunduin ang ate mo sa airport," diretsong sagot ni Mom. Halata sa boses niya na pagod na siya.

Tumango lang ako at dumiretso sa second floor kung nasaan ang aking kuwarto. Nilagay ko ang bag sa upuan at nagpalit ako ng damit.

Bumaba ako ulit. "Mom, umupo ka na po muna. Ako na ang magtutuloy niyan." Kinuha ko kay Mom ang panlinis at nagsimula na akong maglinis.

After an hour of cleaning, I sat on the chair placed in front where my mother was sitting. Shoulder down, staring at nowhere while drinking the tea which she prepared for herself.

"Mom, what happened? Bakit uuwi si Ate Jack?"

She looked at me and massaged her temple. She sighed.

"Jackie lied to us. Hindi siya nag-aaral sa UK. May anak siya at nagtatrabaho ro'n," pailing-iling na sabi ni Mom. Nanunubig ang gilid ng mga mata niya.

"Nagkulang ba ako sa pagpapalaki sa inyo? Ba't wala man lang siyang sinabi sa akin? Sa amin ng Dad mo? Nagsinunggaling pa siyang nag-aaral siya sa UK! Paano 'yong perang pinapadala namin ng Dad mo?" Pinunasan ni Mom ang luhang namutawi sa mga mata niya.

"Sino raw ang ama ng bata?"

Pagak na tumawa si Mom. "Iyon nga! Hindi niya raw alam kung sino ang ama! Ano nang gagawin ko kay Jackie? Bakit nagkagano'n ang kapatid mong 'yon."

I sighed upon hearing what my mom had said. I didn't know how to react. It's so unexpected. Like how come? I know Ate Jackie is ambitious. She would not let any man take advantage of her. The most shocking tea was—she had a child and didn't know who the father was.

Lumapit ako kay Mom at marahang tinapik-tapik ang likod niya.

"Kung sana, hindi na siya nag-architect at doctor na lang ang pinili niyang course, hindi mangyayari ang lahat ng 'to . . ."

I didn't say anything. Alam kong sobrang disappointed si Mom kay Ate. Lalo na't mataas ang tingin ng parents namin sa kanya. Because she's independent, smart, and ambitious. We thought she'd fly high as she's someone suited to the top.

Kaya sinong mag-aakala na may anak siya? Sinong mag-aakalang nag-stop siya sa pag-aaral at pag-abot ng pangarap niya?

I was also disappointed in her. Pero sino ako para husgahan siya?

Matapos patahanin si Mom ay nagkulong ako sa kuwarto ko. Nanood ako ng K-drama, pampalipas oras. Kahit na wala naman akong gaanong maintindihan dahil sa mga taong na nasa isip ko. 

Pagsapit ng alas-otso, tinawag ako ni Mom para kumain ng dinner. Tahimik lang kaming kumakain. Tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig. 

"Anong oras 'yong dating nila?" pagbasag ko ng katahimikan. I'm not used to this kind of situation. Madalang ko lang kasing makita na tahimik at malungkot si Mom. 

"Mga alas-nuebe, nandito na ang mga 'yon. Kumusta pala ang araw mo?" she asked and munched her food. Mukhang nakalimutan niya kung anong meron ngayong araw. 

"Ayos lang naman po. Nothing new," I replied. 

Tanging tango lang ang tinugon ni Mom at muli kaming kumain nang tahimik. 

Pagkatapos kumain ay nag-volunteer akong maghugas ng pinagkainan namin. Hindi naman tumanggi si Mom at nagpasiyang manood na lang ng TV.

I silently washed the dishes, stealing glances at Mom. Nakapokus lang ang mga mata niya sa TV, hindi ko sure kung nanonood ba siya o nakatulala roon.

I heaved a sigh. After washing the dishes, I went to my room and lay down on my bed, staring at the ceiling. 

"In the end, I couldn't tell her about the Math quiz," I mumbled. 

Kinuha ko ang unan at niyakap iyon. It's been a long day . . . I hope everything will be fine tomorrow.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon