Chapter 8

2 5 0
                                    

I'm so bored.

I thought this day would be great because, at last, I would be able to spend time with my best friend but, the heck! I was wrong.

Ano ba kasing ginagawa rito ni Wina? Akala ko ba hindi sila magkikita ni Frat tuwing weekend?

Nagbuntonghininga ako.

Nandito kami sa school ngayon; sa tennis court. Nakaupo ako sa bench habang pinapanood sina Frat at Wina na masayang naglalaro.

Nang pumunta kasi kami kanina rito ni Frat ay tinuturan niya akong maglaro ng tennis pero, wala pang limang minuto ay sumulpot na galing sa kung saan itong si Wina kaya in the end, silang dalawa ang naglaro. Habang ako, heto, nagbabasa ng libro tungkol sa paglalaro ng tennis na binigay sa akin ni Frat.

"Okay ka lang ba d'yan, Faith?" pasigaw na tanong sa akin ni Frat.

Pilit na ngumiti naman ako at nag-thumbs up. "Oo, okay lang ako!" pasigaw na tugon ko, kahit hindi naman.

Tumango lang siya sa akin at bumalik na ulit sa paglalaro.

"Dapat talaga, hindi na lang ako pumayag na sumama sa kanya kanina e. Kainis. Ang boring," aniko sa sarili at kinuha ang cellphone sa dala kong sling bag.

Tinawagan ko si Laarni at napangiti naman ako nang sagutin niya agad ang tawag.

"Napatawag ka?"

"Laarni, punatahan mo ko."

"Ha? Bakit? May nangyari ba? Nasaan ka?"

"Nandito ako ngayon sa tennis court ng school kasama sina Wina at Frat. At gusto ko nang umuwi. Nakakainis maging third wheel."

Narinig kong bumuntonghininga si Laarni sa kabilang linya at ilang saglit lang ay tumawa ito. "Akala ko naman kung ano na, edi maganda. Naalala mo ba ang sinabi ko sa 'yo kahapon?"

"Alin doon?"

"Iyong masanay sa sakit, Faith. Pagkakataon mo na rin ito para ma-test ang sarili mo kung hanggang saan ang limit mo 'pag nakikita silang magkasama. Isn't it amazing?" she said, and I could vividly imagine the playful smirk painted on her lips while saying those. "O sige na, ibaba ko na muna ang tawag. Enjoy!"

Such an evil.

Napahawak ako sa sentido ko at napailing nang ibababa na ni Laarni ang tawag.

Hindi man lang siya concerned sa akin. Nice, kaibigan ko ba talaga ang isang iyon?

"Faith, lunch na muna tayo. Sorry pala hindi kita naturan. Saan mo gustong kumain?"

Napaangat ako ng tingin nang makitang nasa harap ko na sina Wina at Frat.

"Hindi, ayos lang. Tapos na kayo maglaro?" nakangiting sabi ko.

Nice, fake it until you make it, Faith.

"Hindi pa. Huminto lang kami kasi nagugutom na si Wina e."

Ah, kaya pala.

"Kahit saan, ayos lang sa akin."

"Sa McDo na lang tayo. Malapit lang naman iyon dito. What do you think, Frat?" tanong ni Wina habang nagpupunas ng pawis niya.

"Sa McDo? Sige-sige," nakangiting sagot ni Frat habang nakatingin kay Wina. Iyong tinging parang nakakatunaw.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.

Gusto ko nang umalis dito, ngayon na o kaya maglaho nang parang bula.

Hindi ko na kasi kinakaya ang ka-sweet-an nila. Lalo na si Frat. Napaka-corny. Nakakapanindig balahibo.

Napabuntonghininga ako at muli nang tumingin sa kanila. Tumikhim ako. "Ano? Tara na?"

"Sige, sandali lang. Magpapalit lang ako ng damit," ani Wina, kinuha ang kanyang bag, at umalis na.

"Ang ganda niya 'no?" turan ni Frat habang nakatingin sa papalayong si Wina.

Napangiwi ako. "You really do you like her a lot, ha?"

Nang sabihin ko iyon ay ibinaling naman ni Frat ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Maybe, I like her a lot."

"Err, ang corny mo! Magbihis ka na nga!" nakangiwing sabi ko at inihagis sa kanya ang damit niya pampalit.

Tinawanan lang naman ako ng ungas at nagsimula nang hubarin ang pang-itaas niya sa harap ko. Agad naman akong napaiwas ng tingin.

Wala man lang pa-warning? Hindi niya ba alam kung ano ang epekto niya sa akin?

"Oh? Ba't nakaiwas ka ng tingin? Ilang beses mo nang nakita ang katawan ko, ah?" rinig kong pang-aasar ni Frat sa akin. Kaya agad akong tumingin sa kanya nang masama.

"Hala, hindi ka naman mabiro d'yan, Faith," natatawang sabi niya.

Inirapan ko lang siya at inihagis sa kanya ang kanyang bag at nagsimula nang maglakad palabas ng tennis court.

"Hoy! Wait lang naman! Sorry na!"

Mabilis akong naglakad pero, napahinto ako nang bigla niya akong akbayan. "Hoy, sorry na, Faith. Promise, 'di na kita aasarin ulit," nakangiting sabi niya.

I sighed. Hinawakan ko ang palad niya at binali iyon nang bahagya dahilan para mapaaray siya pero, nabitiwan ko ang kamay ni Frat dahil may tumapik noon.

"Don't do that, Faith. Hindi mo ba alam na mahalaga sa isang athlete ang katawan niya?" iritableng wika sa kanya ni Faith. "Ayos ka lang ba, Frat?" nag-aalalang wika nito at hinawakan ang kamay ni Frat na hawak ko kani-kanina lang.

Hindi ko maiwasang mapairap at mas lalo akong nainis nang makita ang mukha ni Frat.

"Oo, baby. Kiss mo nga, baka mawala ang sakit," pabebeng ani Frat at pagkatapos sabihin iyon, dinilaan ako ng ungas.

Kainis. Ang sarap niyang sapukin. Ang sarap nilang pag-untugin na dalawa.

Hindi ko pinansin si Frat at nagsimula nang maglakad paalis.

Ayaw ko na! Napuno na ako. Uuwi na ako.

***

Hapon na. Nasa salas kami ni Mom habang nanonood ng K-drama sa laptop. Nang makauwi kasi ako sa bahay ay nag-aya siyang manood pagkatapos naming kumain ng tanghalian.

At dahil wala naman akong magawa, pumayag ako sa gusto niya. Gusto ko sanang mag-review at mag-advance reading na lang. Ang kaso, alam kong walang papasok sa utak ko ngayon. Kailangan ko ng mabisang distraction at akala ko, panonood ng K-drama ang sagot pero, akala ko lang pala iyon.

Apat na oras na kasi kaming nanonood pero, wala man lang pumapasok sa utak ko.

Maliban sa mukha ng ungas na si Frat at si Wina.

"Tsk. Kainis."

"Sinong nakakainis, Faith?" tanong ni Mom kaya napatingin ako sa kanya at agad na umiling.

"Wala, Mom. Nakakainis kasi iyong mukha ng bida. Hindi marunong um-acting," pagdadahilan ko. Napataas naman ang kilay ni Mom dahil sa sinabi ko kaya bago pa niya ako usisain, tumayo na ako.

"Mom, magre-review lang ako sa taas. Naalala ko, may exam pala kami sa English sa Monday. Kailangan kong basahin iyong pinapabasa sa amin ng teacher namin," sabi ko, kahit ang totoo ay nabasa ko na ang kuwentong pinapabasa sa amin.

Hindi ko na hinintay na mag-reply si Mom at tumungo na sa aking kuwarto.

Pagkarating ko sa room ko, agad kong ni-lock ang pinto, naglakad papunta sa kama at nahiga, at nagtulakbong ng kumot.

Itutulog ko na muna siguro ito. Bakasakaling paggising ko ay nasa mood na ako ulit.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon