Chapter 2

2 5 0
                                    

Kanina ko pa naririnig ang reklamo ni Laarni dahil noong pumunta kaming office kanina ay nakasama kami sa bibigyang punishment ni Ma'am Lourdes. Nasermunan kasi siya ng principal kaya iyon, kami ang pinagbuntunan ng galit.

"Hay, ang malas-malas ko talaga ngayong araw! Panira ka ng first day of school, Frat! Titingin pa naman ako kung may poging grade 11 ngayon sa school natin," naiinis na sabi ni Laarni habang naglilinis ng sahig. "Nakakapagod na! Hindi ko dapat ito ginagawa ngayon e!" sabi pa nito at nagpunas ng pawis sa noo.

"Alam mo kung bakit ka napapagod, Arni?" si Frat, tumigil sa pagmo-mop at tumingin kung nasaan si Laarni.

"Alam mo? Bakit?"

"Ang daldal mo kasi. Why don't you just clean the floor nang matapos tayo? Kaya siguro hindi kayo nagtagal ni Alfie, e. Napuno na siguro 'yon sa ugali mo," natatawang asar ni Frat kay Laarni. I couldn't help but smile when I saw how Laarni rolled her eyes and ignored what Frat said.

Alfie is Laarni's ex-boyfriend. Naghiwalay sila noong nakaraang taon at pagkatapos no'ng break up na iyon, hindi na pinansin ni Laarni si Alfie at para silang aso't pusa kapag magkasama.

Frat really knows how to handle people to make them do what he wants them to do. He knows what to say in every situation. He knows what he wants and gets it in his own way.

Because we were the only ones in the lobby and Laarni shut her mouth, the place was then covered with an eerie silence. No one dared to speak. Naglinis lang kami nang tahimik.

Until Laarni once again break the silence. "Frat, ano palang nagustuhan mo kay Wina?"

Hindi nakatingin si Laarni kay Frat nang tanungin iyon at abala sa pagmo-mop. Napatingin naman ako kay Frat para makita ang reaksyon niya. But to my surprise, he didn't have any. He looked serious while mopping as he answered Laarni's question.

May gumugulo ba sa isipan niya?

"Kailangan ba may reason para malaman mong gusto mo ang isang tao?" he asked then tilted his head towards my direction. When our eyes met, I quickly averted my gaze.

Gosh! Napansin niya bang nakatitig ako sa kanya?

Hindi ba obvious, Faith? Mas naging obvious ka kaya masyado dahil nag-iwas ka pa ng tingin.

Ah, kainis.

"Point taken. Pero, bakit hindi si Faith? Maganda naman siya, matalino, mabait, at magkasama na kayo simula pagkabata, hindi ka man lang ba na-in love sa kanya?"

Napasinghap ako nang marinig ang tinanong ni Laarni kaya nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya pero kinindatan niya lang ako at nginitian.

Fine, I also want to know his response towards that question. Hindi sa umaasa ako, curious lang ako sa sagot niya. Alam ko namang may Wina na siya e.

I sighed.

Okay, fine. Umaasa ako.

Napailing ako at ibinalik na lang ulit ang atensyon sa ginagawa. Tumalikod na rin ako sa kanilang dalawa, kunwari ay wala akong pakialam.

"Bakit hindi si Faith? Hmm—

"Nathan! Pinapatawag ka ni Coach!"

Inis akong napatingin sa kung sinumang biglang sumulpot at pinutol si Frat sa sasabihin niya. Litong napatingin sa akin ang lalaking tumawag kay Frat kaya inirapan ko siya na ikinatawa naman ni Laarni. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko.

"May nakakatawa ba, Arni?" litong tanong ni Frat.

"Wala-wala. Gusto ko lang tumawa, masama ba?"

"Gets ko na. Ang weird mo nga talaga gaya ng sabi ni Alfie," patango-tangong sabi ni Frat, na para bang kaka-realize niya lang noong bagay na iyon.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon