Chapter 3

2 5 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa duyan ng playground dito sa subdivision nila Laarni. Nagpaalam ako sa parents ko na mag-i-sleepover ako kila Laarni pero, hindi ko siya magawang tawagan. Hindi naman kasi ako sanay na nag-o-open ng problema ko. Maliban na lang kung nauna siyang tanungin kung may pinagdadaanan ba ako. Given na malakas ang instinct ni Laarni sa mga ganoon, wala akong choice kundi sabihin ang problema ko.

Nagpasiya akong mag-stay muna sa playground; magpapalipas ng oras, magpapalipas ng sakit na nadarama.

Bakasakaling makalimutan ko ang nakita ko kanina.

Nakatulala lang ako habang dinuduyan ang sarili. Nakapikit ang mga mata habang nakikinig ng sad songs sa cellphone ko.

Sa tuwing nakikinig kasi ako ng sad songs, gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay may karamay rin ako. Pakiramdam ko, nararanasan din ng composer at ng kumakanta ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nag-iisa.

"Hay, hindi ka ba napapagod umiyak, Faith?" tanong ko sa sarili ko nang mamalayang lumuluha na naman pala ako.

Huminto ako sa pagduyan ng sarili at yumuko. At doon na ako humagulgol ng iyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig o makakita man sa akin dito. Ang sakit na kasi talaga, idagdag pa na sobrang lungkot ng kanta na tumutunog ngayon sa phone ko: I Don't Wanna See You With Her by Maria Mena.

The song is about a girl who doesn't want to see his ex-boyfriend with his new one. She can't bear the pain seeing them happy while she is feeling lost, broken. Although she wants to be happy for him, she even convinces herself that she is happy for him but at the end of the day, she realizes that she can't lie to herself.

She's not happy. Sometimes, she wishes that their story doesn't meet its end; she wishes that his ex-boyfriend didn't also move on . . . like her.

Napakalungkot na kanta.

"Hey, Miss, ayos ka lang?"

Napahinto ako sa pag-iyak, agad na p-in-ause ang kanta sa phone ko, at tumingala ng tingin para makita kung sinumang tao ang umabala sa pagsesenti ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero may dala siyang bag ng gitara sa kanyang likod, nakasuot ng itim na cap, naka-black pants, at naka-black ding printed T-shirt na bungo ang design.

Ilang saglit akong hindi nakagalaw nang mag-bend siya ng tuhod para punasan ang luha ko gamit ang dala niyang panyo. Inayos niya rin ang nagulo kong buhok.

"A-ano, ako na, ako na," natatarantang sabi ko, kinuha sa kanya ang panyo, at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko sa pisngi.

Tumawa siya sa ginawa ko at umupo sa isa pang duyan, katabi ng sa akin.

Nakakahiya! Pero teka lang, sino ba ang lalaking ito?

"Ba't 'di ka pa pala umuuwi? At bakit ka rin pala umiiyak nang mag-isa rito?"

Kikiligin na sana ako sa ginawa niya, kaso ang chismoso pala ni Kuya.

"Don't mind me. Nagse-senti lang ako kasi ang lungkot ng kantang pinapakinggan ko," pagpapalusot ko, pero, totoo naman ang sinabi ko. Napaiyak lang naman talaga ako kasi sobra talagang lungkot ng kanta.

"Ah," maikling aniya at muli na kaming binalot ng katahimikan.

Sobrang awkward.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagduduyan at hindi siya pinansin. Maya-maya lang, nagulat ako nang tumayo siya sa harap ko kaya itinigil ko ang pagduduyan at litong napatingin sa kanya.

"Wanna come with me?"

Nakalahad ang kamay niya sa akin. Nakangiti rin siya at hindi na niya suot ang itim na cap na suot niya kanina. At doon ko lang na-realize na may hitsura pala ang lalaking nasa harap ko ngayon. Bilugan ang kanyang mga mata, sobrang tangos ng ilong, at mapula-pula ang hugis puso nitong mga labi.

I don't know if he used a strange spell or it was because of the charm he had, but I just found myself holding his hand while we were walking to whatever place he wanted us to go.

Huminto kami sa paglalakad nang makarating sa tapat ng isang BMW R 1250 GS na kalalabas lang noong 2019. Naalala ko kasing nagpapabili ng ganoon si Frat sa Daddy niya as a gift to his birthday raw but unfortunately, noong mga panahong iyon ay wala pang stock ng ganoong brand sa Pilipinas, kaya ibang brand ang nabili ng Daddy niya.

Aware akong mahal ang ganitong motorsiklo lalo na't latest. Bigla tuloy akong na-curious kung saang pamilya galing ang lalaking kasama ko ngayon.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang bigla niyang ihagis sa akin ang helmet. "Suotin mo." Iyon lang ang sinabi niya at sumakay na sa mamahalin niyang motor. Pagkasuot ko naman ng helmet, umangkas na ako sa likod niya.

"Sanay ka ba sumakay nang ganito?"

I don't know but a smile painted on my lips when I heard his question. Buti pa itong kilala ko, concerned sa akin. Hindi katulad ng Frat na iyon, na nakasama ko na nga simula pagkabata pero parang kapatid pa rin na lalaki ang turing sa akin kahit dalaga na ako. At mahinhin na ako kumilos.

Napasimangot ako bigla nang maalala na naman si Frat.

"Are you fine?"

I forced myself to smile at him when she tilted his head a little just to see my face. "Yup, sanay ako rito."

He nodded and smiled at me again. "Don't worry, I promise that you'll have fun tonight."

Pagkasabi niya niyon ay pinaharurot niya na ang kanyang motor. Agad naman akong napakapikit sa baywang niya. Tumawa lang siya ginawa ko kaya mahinang hinampas ko siya sa likod.

Pumaparaan ba sa akin ang kumag na ito?

Mahina akong bumuntonghininga. Ewan ko ba. I know he's a stranger. I didn't even know his name yet, but I feel safe with him. I feel comfortable with him. Lalo na noong nakita ko siyang ngumiti habang nakalahad ang kamay sa akin kanina.

I just know he's a good person. I feel it.

"Hold tight, crybaby. Baka malaglag ka," sabi niya nang lumawag ang pagkakapit ko sa kanyang baywang. Napasimangot ako. Walang duda, akala niya siguro dahil nakita niya akong umiiyak kanina ay typical na akong babae na sobrang hinhin at takot sa mga ganitong bagay.

Napairap na ako at hindi sinunod ang sinabi niya. I am used to ride this kind of thing anyway so I'm not that scared. I wonder, ilan na kayang babae ang napasakay ng kumag na ito sa mamahalin niyang BMW?

Wala akong narinig mula sa kanya nang bumitiw ako ng pagkakakapit sa kanyang baywang kaya in-enjoy ko na lang ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat at tumingin-tingin sa bawat lugar na madadaanan namin.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon