Chapter 13

2 5 0
                                    

"Ayos na ba ang lahat?" tanong sa akin ni Laarni.

Tiningnan ko ang hawak kong checklist. "The food, check. The audience, check. The flowers, check. The lightning, check. Sa tingin ko, ayos na naman na ang lahat," patango-tangong saad ko habang nakatingin sa checklist.

It's been five days since the garden incident happened and Frat said he'll sleep at Wina's house.

Everything's all right. After that day, Laarni approached and talked to me like nothing happened. Balik kami sa dati. I didn't know if it's all right to just ignore my curiosity about the poem I've read that seemed very important to her, especially based on her reaction that day.

Pero siguro, mas mabuti nang ganito. Para walang problema.

Tungkol naman sa pagtulog ni Frat kina Wina, hindi natuloy dahil hindi pumayag ang tatay ni Wina na roon matulog si Frat kaya in the end, umuwi siya sa bahay at natulog sa guest room.

Inasar-asar ko pa siya noong gabi iyon. Halata kasing umaasang makaka-score ang ungas.

"Ba't pala hindi tunay na rosas ang ibibigay ni Frat kay Wina?" tanong ni Laarni habang nakatingin sa bouquet of fake roses.

"Hindi ko alam. Baka may pakulong gagawin si Frat," I said flatly, trying my best to show that I didn't care. Trying my best to act like it's normal to prepare all of these for the surprise party of Frat dedicated to Wina.

Laarni nodded and looked at me, narrowed eyes, observing my reaction.

"Stop that. I'm okay. I know this gonna happen so no worries. Hinanda ko na ang sarili ko sa ganito, ," I said, trying to ease her worriness.

"Okay, good to know. Tara na, punta na tayo sa puwesto natin." Hinila ako ni Laarni sa gilid kung saan ay nandoon din ang mga taong inimbitahan ni Frat.

Tumingin ako sa relos ko at napansing malapit nang mag-alas otso ng gabi, ibig sabihin, malapit nang dumating si Wina rito sa bahay nina Frat.

Dahil wala sina Tita at Tito, Frat took the opportunity to hold a party here in their place. Aside from the party, he will also ask Wina tonight to be his girlfriend.

"Ilang weeks palang nililigawan ni Nathan si Wina, a? Tatanungin niya na agad? Baka ma-busted siya," rinig kong sabi ng kung sino na malapit sa kinaroroonan namin ni Laarni.

Madilim kasi kaya hindi ko makita kung sino ang nagsabi noon. Ang tanging liwanag lang ay stage kung saan dadalhin ni Frat mamaya si Wina para alayan ito ng kanta.

"Faith, tingin mo, mababasted si Frat?" bulong sa akin ni Laarni.

"Hindi, alam mo naman ang isang iyon. Lagi siyang may paraan para makuha ang gusto niya."

Iyon naman kasi ang totoo. Dahil nag-iisang anak lang si Frat, nakukuha niya ang gusto niya. At kapag hindi niya nakuha, gagawa siya ng paraan para makuha iyon. Kahit anong paraan.

And that trait is what I hate about Frat. Hindi siya marunong makuntento kung ano ang ibigay sa kanya. What he wants, surely he will get.

"Oo nga pala. That brat Frat." Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Laarni, alam kong nakangiti siya nang sabihin iyon.

"Yeah," pagsang-ayon ko.

Natigil naman kami ni Laarni sa kuwentuhan nang pumasok si Alfie kasama si Joshua Heris, anak ng may-ari ng school.

"Guys, ayos na kayo. Nandito na sila," si Joshua, at pumunta na sa stage kasama si Alfie at si Michel, baseball player na kaibigan ni Frat.

Ilang saglit lang naman ay dumating na sina Wina at Frat. Nakasuot ng striped red na polo si Frat na bukas ang dalawang butones kaya kita ang dibdib niya at fitted na itim na pantalon. Nakaayos ang buhok niya gaya sa mga Koreano sa telenobela kaya bigla tuloy siyang naging oppa sa paningin ko.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon