Chapter 10

2 5 0
                                    

Sunod-sunod na katok mula sa aking pinto ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog.

"Sandali lang. Bubuksan na," sabi ko at humikab. Tumayo ako sa aking kama at naglakad patungo sa pinto habang kinukusot-kusot ang aking mga mata.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin sina Dad at Mom na nakaporma. Napataas ang kilay ko.

"Good morning, Faith," bati ni Mom at isinukbit ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga. Naka-dress na pula ngayon si Mom na hanggang talampakan at naka-flat shoes. Naka-light makeup din ito at naka-ponytail ang buhok.

Pinasadahan ko naman ng tingin si Dad na nakangiti sa akin ngayon. Nakasuot siya ng slacks na puti at asul na polo. Suot niya ang Rolex niyang relos at mayroon siyang itim na salamin na nakasabit sa kanyang damit.

"Saan kayo pupunta?" mahinang tanong ko.

"Magbabakasyon. Nag-leave ang Dad mo at Dad ni Frat para sa one week vacation trip namin. Nanalo kasi ng plane tickets to Switzerland si Alexis," nakangiting ani Mom. Si Alexis ay ang nanay ni Frat na isang fashion designer.

Tumango ako. "Ah, kaya pala todo trabaho ka noong nakaraan, Mom? At todo overtime ka, Dad?" bored na tanong ko sa kanilang dalawa at humikab ulit.

Ngumiti naman sa akin si Dad. "Don't worry, Faith. May pasalubong ka naman pag-uwi namin, 'di ba, Sammy Dear?"

"Syempre, Dear. Ikaw nang bahala rito, Faith a?" an Mom.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa bagong gising ako kaya mabilis akong pumayag sa sinabi nila at hindi na nag-usisa pa.

Sa bilis ng pangyayari, namalayan ko na lang ang sarili na nasa labas ng gate at nagpaalam sa paapalis nilang kotse.

Napabuntonghininga ako at tumingin sa gawi ni Frat.

"Hi! Good morning, Faith," nakangiting wika ni Frat.

Tiningnan ko lang siya, tumango, at lutang na pumasok na sa bahay namin at bumalik na sa aking kuwarto.

Muli akong natulog. Ala-una ng madaling araw na kasi kami natapos ni Frat sa kakanood ng movies kahapon kaya sobrang inaantok pa ako.

***

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at nakatingin lang sa puting kisame. Nagugutom na ako pero, tinatamad pa akong bumangon.

Kinuha ko ang aking phone sa lamesita at nagbukas muna ng twitter. Magbo-browse lang at titingin ng mga balita. Marami kasi laging ganap sa twitter.

"Ah, wala namang kuwenta," nasambit ko na lang nang walang kainteresante-interesante akong nabasa.

Tumungo naman ako sa aking gmail para tingnan kung may reply na siya sa akin pero, mapait na lang akong napangiti nang wala akong mabasa.

"Baka, busy pa siya."

Pinatay ko ang aking phone at nag-unat bago tumayo sa aking kama.

Ano kayang masarap kainin?

Tanong ko sa sarili habang bumababa ng hagdan. Naglakad ako patungo sa kitchen pero bago ako makarating doon, may nahagip ang mga mata ko na pamilyar na tao sa salas na nanonood ng TV.

"Oh, ikaw pala iyan, Faith. Good morning!" bati sa akin ni Frat at binalik na ang mga mata sa pinapanood.

"Ah, good morning din."

Nagsimula na ulit akong naglakad-wait, anong ginagawa ng ungas na ito sa pamamahay namin?

Muli akong bumalik sa salas. "Ano na namang ginagawa mo sa bahay namin? Nasaan sina Mom at Dad?" tanong ko sa kanya nang mapansing wala ang parents ko.

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon