Chapter 6

2 5 0
                                    

Nakahiga ako at nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Laarni. Nandito ako ngayon sa aking kuwarto at nagpapahinga. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Laarni, nag-aya siya na mag-Mall.

Dahil ginabi kami kaka-shopping ay nagpasiya si Laarni na mag-sleepover na lang sa amin. Nasa baba siya ngayon at tinutulungan si Mom na maghanda ng dinner. At heto ako, nakahiga lang pagkatapos kong mag-shower at magpalit ng damit, iniisip ang mga bagay-bagay.

I sighed. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gagawin. Ilang araw ko na ring iniiwisan si Frat pero, 'di ko alam kung napapansin niya iyon kasi nasa tabi niya naman lagi si Wina at masyado siyang busy sa practice nila sa tennis.

"Faith? Kain na tayo sa baba," bungad na sabi ni Laarni pagkapasok sa kuwarto. Nginitan ko naman siya at tumayo na sa kama.

"Ano palang ulam?"

"Menudo, adobo, tapos pinakbet."

"Ah."

Tumango ako at sumabay na sa kanya sa paglalakad. Pagkababa ko naman ay bumungad sa akin sina Mom at Dad na nakaupo na sa hapag.

"Kumusta ang school, Faith?" tanong ni Dad.

Ngumiti ako kay Dad at nagmano. "Ayos lang po, Dad. Wala po kayong work ngayon?" tanong ko at umupo sa harap ni Dad habang si Laarni naman ay umupo sa tabi ko.

My Dad, Lucas Santillan is a doctor from Lorenzo's Hospital, pagmamay-ari ng Dad ni Frat. Isa siya roong surgeon. Habang ang Mom ko naman na si Samantha Santillan ay isang scriptwriter sa kilalang TV station dito sa bansa.

"Umuwi lang ako saglit pero, babalik din ako kaagad. Naiwan ko kasi ang phone ko, itong Mom mo naman, hindi man lang ch-in-eck," reklamo ni Dad sa Mom ko.

"Kasalanan ko, Lucas? Alam mo namang busy ako sa trabaho ko," pagtatanggol ni Mom sa sarili.

Heto na naman sila. Nagbuntonghininga ako. Minsan, hindi ko talaga ma-gets kung paano name-maintain ng parents ko relationship nila kahit pa busy sila sa work at kung may time naman, madalas ko silang naabutang magtalo.

Ganoon ba talaga kapag mag-asawa? O sadyang, weird lang ang parents ko at walang magpapatalo kahit maliit na bagay ang pinag-aawayan?

"Huwag na po kayong magtalo, Mom, Dad. Nakakahiya kay Laarni," pag-aawat ko.

Ngumiti naman sa akin si Mom at tumango, ganoon din ang ginawa ni Dad.

"Pasensya na, Laarni. Kumusta na pala ang parents mo?" tanong ni Dad.

"Ayos lang naman po," magalang na tugon ni Laarni. Kung nasa ibang sitwasyon siguro kami ngayon ay baka mapangiti ako at tumawa dahil hindi ako sanay na magalang si Laarni.

"Kumusta ang business n'yo—

Tiningnan ko si Dad at hindi na siya pinatapos sa sasabihin niya. "Dad, p'wedeng kumain na lang po muna tayo? Mamaya na lang natin pag-usapan iyang ganyan?"

Tumikhim naman si Dad at tumawa nang pilit. "All right! Kumain na lang nga tayo."

"Kain kayo nang marami. Kung kulang ka pa ng kanin, Laarni. Sabihin mo lang, mayroon pa roon," ani Mom.

"Sige po, Tita."

***

Nang matapos kami kumain ay tinulungan ako ni Laarni sa paghugas ng pinggan sa kusina. Si Mom naman ay bumalik na sa study room niya para tapusin ang script na sinusulat niya habang si Dad naman ay umalis na rin para pumunta sa trabaho.

"Ang busy ng parents mo 'no?" sabi sa akin ni Laarni habang nagbabanlaw ng plato.

Kinuha ko naman ang mga natapos niyang hugasin at pinunasan ito at inilagay sa lalagyan. "Ah, oo. "

Faith and Frat (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon