Hindi pa ako nakakabawi sa nalaman ko nang marinig ko ang boses ni Lander na tinatawag ang pangalan ko.
"Ara?"
My lips parted and I pushed Leonariz as hard as I can. Pero hindi man lang siya natinag. G-Ghad. Wala siyang balak na umalis sa harapan ko?! Talaga ba na hahayaan niya na makita kami ni Lander sa ganitong sitwasyon? Nasa baywang ko pa ang isang kamay niya at nakasandal ako sa wine rack habang magkalapit ang mga katawan namin!
"Let me go..." mahina ngunit matigas kong sambit habang masama ang tingin sa kaniya. But the asshole was smiling, para siyang isang demonyo ngayon sa paningin ko habang nakangiti.
"No," sagot niya at inilapit ang mukha niya sa akin. He even tilted his head, his face was so close to my ear. Nanayo ang mga balahibo ko at hindi ko intensyon na humawak sa mga braso niya pero 'yon ang kinapitan ng mga kamay ko nang maramdaman ko ang init ng hininga niya doon.
"But, I'll let you go in one condition..." bulong niya. Halos wala nang boses. At napasinghap ako nang kagatin niya ang tainga ko. T-This evil man! He's enjoying this... sobrang ikinatutuwa niya ang paglalaro sa akin!
"Ara?" nang marinig ko ulit ang boses ni Lander at mas lumalapit na 'yon sa pwesto namin ay naalarma ako. Hinawakan ko sa batok niya si Leonariz, sa gawing buhok at pwersahan na pinatingin sa akin.
"Fck, I like that, Arazella Fhatima."
Kahit ang pagsabunot ko sa kaniya para iharap siya sa akin ay nagustuhan pa niya?! U-Unbelievable! Hindi talaga siya normal!
"A-Anong kondisyon mo? Basta bitawan mo ako!" I hissed. I felt like I was dealing with the devil when I saw how he smirked at me. Ibinalik niya ang hawak na wine sa lalagyanan nito at nanatili na sa gilid ko ang isang kamay niya habang ang isa ay naramdaman ko na bumaon sa baywang ko. Mas kumapit.
"Kiss me."
At nang marinig ko ang sinabi niya ay namilog ang mga mata ko. I was totally shocked. Ngayon alam ko na kung ano talaga ang gusto sa akin ng lalakeng 'to.
I glared at him, and when I heard Lander's voice again, I closed my eyes firmly. M-Mabilis lang, Ara. Mabilis na halik para makawala ka na sa demonyong 'yan!
Huminga ako ng malalim, lumunok bago ako tumingkayad. Pero nang makita ni Leonariz ang ginawa ko ay napasinghap ako nang parehong mga kamay niya humawak ssa baywang ko at sinuportahan ako.
"Come on..." he whispered, siya na mismo ang nagbaba ng mukha sa akin dahil masyado siyang matangkad kaya nakatingkayad ako.
"A-After this, let me go. May isang salita ka naman siguro."
"Yes, baby," sagot niya. Nang mas lumalapit ang yabag ni Lander ay ang higpit ng pagkapit ko sa batok ni Leonariz. I gulped and closed my eyes. Mabilis ko na inilapat ang mga labi ko sa kaniya. And when my lips pressed against his, nagbilang ako sa isipan ko.
1... 2... 3...
It's enough!
Humiwalay ako kaagad at nakita ko ang reaksyon niya, ang bahagyang nakaawang na mga labi at ang disappointment sa mukha. Muli ko siyang pwersahan na itinulak pero hindi na naman niya ako binitawan. Nangamba ako. Napatingin ako sa kaliwa ko dahil naririnig ko na ang tawag ni Lander, sobrang la-lapit na niya!
"Y-You said you'll let me go--"
He cut me off.
"That's not even a kiss, baby."
What?
Nag-isang linya ang mga kilay ko at mas itinulak ko siya. Pero talagang bakal ang mga kamay niya nakahawak sa akin. Sobrang tigas ng mga braso niya. At narinig ko pa ang tunog ng mga wine sa likod nang idikit niya ako sa rack.
BINABASA MO ANG
Dirty Games With The Billionaire
RomanceArazella Fhatima Montes despises arrogant fckboys and entitled rich men who believe money can buy everything-especially women. Sinabi niya sa sarili niya na sisiguruhin niya na ang lalakeng papasukin niya sa buhay niya ay hindi ganitong klase. Then...