"Are you okay, Ara?"
Kasama ko si Lander ngayon at narito kami sa bahay. Dad invited him to have dinner with us. Pero kanina pa ako hindi mapakali dahil nga tatlong araw na diretso na akong nakakatanggap ng pulang mga rosas mula kay Leonariz. Box of roses, bouquet of red roses, iba-iba ang ayos pero lahat ay pulang mga rosas. That asshole. At sa bawat araw na lumipas ay mas nadaragdagan ang kaba ko.
Napapalingon ako kahit saan ako magpunta. Kahit nga dito sa bahay dahil pakiramdam ko nakatingin sa akin ang mga mata niya. Ang bilis rin ng pagtibok ng puso ko at kinakabahan talaga ako.
"I'm okay, why?" baling ko dito, inabot pa ako ng ilang segundo bago sumagot.
Pero hindi naman kumbinsido si Lander dahil tumayo siya at lumapit sa akin. Iniangat niya ang kamay niya at inilapat 'yon sa leeg ko pagkatapos ay sa noo ko. Parang chinecheck niya kung may sakit ako.
"You are pale. Are you sure you are okay?"
"Hmm..." I nodded.
Maybe because I am overthinking? Nakokonsensiya rin ako dahil nga sa mga natatanggap ko na regalo mula sa kapatid niya. Itinapon ko naman 'yong mga pulang rosas. Pero ang mga alahas, ang mga kwintas ay itinabi ko dahil balak ko na isauli. Hindi maaaring itapon ko lang dahil pagtingin ko ng bawat presyo sa internet ay kapresyo na ng bahay at lupa namin.
Is he even serious about this? Ibabalik ko talaga ang mga regalo niya na' to dahil baka gamitin niya pa sa akin sa huli!
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko kay Lander, iniba ko ang usapan dahil mas naaalala ko lang ang Leonariz na 'yon.
Inaantay na lang namin ngayon si dad. Na-traffic raw ito. Sampung minuto na ang nakalipas nang tumawag sa akin. Nakaluto na rin ako ng pagkain, medyo marami dahil nga naghanda rin ako dahil dito kakain si Lander.
"May gusto ka rin ba na inumin muna? Coffee?"
Bumalik na siya sa upuan niya pero nasa mukha pa rin ang pag-aalala.
"No, I'm fine. Hindi rin ako nagka-kape, Ara."
Medyo nakaramdam ako ng hiya nang marinig 'yon lalo na nang tipid ang ngiti niya na hindi man lang umabot sa mga mata. Maraming alam sa akin si Lander pero ako ay iilan lang sa kaniya. Napatango ako at naupo na lang rin sa hapagkainan. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin ni isa ang nagsasalita sa aming dalawa. I press my lips together and looked at him. Mukhang siyang bored! Iyon ang nakikita ko sa mukha niya. At mas lalo ko nasiguro nang bigla siyang humikab.
"K-Kumusta pala ang maghapon? Nadagdagan daw ang schedule mo?"
"Yes. Kinuha ko na 'yong kay Prof. Agustin dahil wala man lang siyang lunch 30 minutes lang tapos sa kabilang building ang next class."
Napangiti naman ako sa narinig ko .He's kind talaga!
"For sure marami ang natuwa dahil ikaw na ang magiging prof nila. Knowing Prof Agustin, kilala ko siya, isa sa mga terror prof univeristy."
Nang makabuo kami ng usapan ay napanatag ang loob ko lalo at nagkukwento na rin si Lander tungkol sa mga estudyante niya. Pati na ang experiences niya nung unang araw. Naikwento rin niya nga yung unang beses na may nagbigay daw sa kaniya ng love letter na first year colleg. Nangiti ako, naisip ko rin 'yon dati pero napigilan ko lang.
"Ang lakas ng loob ng mga estudyante ngayon, ha?" sabi ko.
"Hindi ka nagselos?"
Natigilan naman ako sa tanong niya.
"Oh, so you are making me jealous?" I crossed my arms and leaned on my chair. Napatawa naman si Lander at umiling sa akin.
"Ara, kanina pa. Pero enjoy na enjoy ka lang makinig sa mga kwento ko about confessions ng mga students ko."
BINABASA MO ANG
Dirty Games With The Billionaire
RomanceArazella Fhatima Montes despises arrogant fckboys and entitled rich men who believe money can buy everything-especially women. Sinabi niya sa sarili niya na sisiguruhin niya na ang lalakeng papasukin niya sa buhay niya ay hindi ganitong klase. Then...