Chapter 5

572 6 0
                                    

I've never been in a situation like this, where I was cornered by a man. Yes, I'm tough, and I always thought I could easily defend myself if someone ever tried to harass me. Pero mali pala ako ng akala kasi when you're actually in that situation, you'll just stand in your place, unable to move, and you don't know what to do.

Naramdaman ko na rin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko na anumang oras ay alam kong maiiyak na ako sa harapan ng lalakeng 'to. He's not cutting his gaze at me, matapang rin ako na hindi inaalis ang tingin ko sa kaniya. It felt like we were talking to each other through our eyes, and I did my best to hold back my tears, pero nang pakiramdam ko ay magtutuloy-tuloy ang pamumuo ay nangamba ako. There's no way I am going to cry in front of this jerk!

I swallow hard, so hard that I think by doing that the tears would not fall, at bago rin ako muling magsalita para sabihin sa lalakeng kaharap ko na bitawan ako ay siya na ang kusang lumayo.

"That's right. Don't cry because of me or in front of me, Arazella Fhatima. You did well holding back your tears." Nanatili ang malamig na boses niya, habang ang tingin niya sa akin ay nakakapaso.

W-What?

Ikinuyom ko ang mga kamay ko, hinayaan ko na ang tuwalya ko kahit maluwag pa 'yon. Ang nararamdaman ko na galit sa lalakeng kaharap ko ay talagang sukdulan. Na pakiramdam ko kaya ko siyang suntukin sa mga oras na 'to mismo. Pero alam ko rin na mas malalagay lang sa alanganin ang sitwasyon para sa akin kung may gagawin pa ako. Because for sure, he will so something to me.

He looks like he's not the type to let someone get away with doing something bad to him.

"Hinding-hind ako iiyak dahil sa 'yo! Kahit ano pa ang dahilan! So, fckng leave my room right now!"

"Make sure your words are sweet, baby," he said, his eyes slowly scanning my body again.

"In case you have to eat them."

Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin at naglakad na palabas ng silid ko. And when I heard my room door closed ay saka ako napakapit sa gilid ko. Napabuga ako ng hangin, sunod-sunod ang malalalim ko na paghinga. Ramdam ko rin na parang babagsak na ako sa kinatatayuan ko ngayon mismo dahil sa lalakeng 'yon.

I was so certain earlier that we will never cross paths again, but fck. Pagkalabas ko ba naman sa bathroom ay nandito na siya at sitting pretty sa couch ko!

Napadako ang mga mata ko sa inupuan niya kanina.

"I need to throw that! I-I need to buy a new one!" and after I said that, I immediately went to my door, inilock ko agad 'yon sa doorknob, pati ang isa pang lock sa pinakataas.

"Ang tanga mo naman kasi, Ara. Bakit nakalimutan mo isara ang pinto mo?"

I quickly changed. Pero habang nagpapalit ako ng damit ay pinagtatanggol ko rin ang sarili ko sa naging sitwasyon ko kanina. Sa hindi ko pagkakasara ng pintuan ko. Because this never happened. May pumupunta naman kasing mga kaibigan ni Kuya Ariston dito sa bahay namin, at ito lang ang unang beses na may umakyat dito at pumasok sa kwarto ko mismo.

"And that fckng Leonariz sigurado na sadya ang pagpasok niya dito. Nanggaling na rin sa kaniya na alam niyang silid ito ng babae at silid ko mismo!"

Kahit na ilang minuto na ang nakalipas ay nanginginig pa rin ako sa galit. Wala nang takot, lahat na lang ng nararamdaman ko ngayon ay galit. And while I was brushing my hair in front of my vanity mirror, I suddenly looked at my breast, sa sando na suot ko. Napalabi ako nang maalala ang pag-angat kanina ng lalakeng 'yon sa tuwalya na bumaba habang hawak ang kamay ko.

"I really thought he would do more... but thank goodness that he let me go."

He looked like a fine man, mukhang disente naman, hindi siya yung tipo na tingining gangster. Wala rin kahit anong tattoo sa mga braso, sa leeg, o sa mga parte na makikita unlike Kuya Ariston. Tapos maayos rin ang gupit ng buhok, he even smells good—what the hell, Arazella? Are you really complimenting the man who harassed you?

Dirty Games With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon