Arazella
"Kumusta naman ang relasyon ninyo ni Lander?"
Umangat ang tingin ko kay Reiz sa tanong niya. Narito kami sa mall sa Redwich at kumakain. Nagpasama siya sa akin na mamili ng regalo para kay Kuya Ariston, at nakapili naman agad siya dahil may nasa isip na siyang bilhin—relo, at hindi basta-basta! Mamahalin pa. Nagulat nga ako dahil sabi ni Reiz, deserve naman daw ng kuya. Nang tanungin ko siya kung para saan, dahil December pa ang birthday ng kuya, sinabi niya na wala lang. Parang reward gift daw kasi naging mabuti ang kuya ko sa loob ng isang linggo. Ang sweet niya naman talaga!
"It's been two weeks simula nang sagutin mo siya."
Pero yes, ang bilis nga ng araw. Two weeks na pala simula nang sagutin ko si Lander.
"Okay naman kami. Gano'n pa rin siya tulad ng dati, gusto pa rin niya ako ihatid pauwi kahit busy siya, tapos susundo pa rin kahit may sarili naman akong sasakyan. He's also become... extra sweet? Gano'n ang nafe-feel ko."
And he's making me feel that I made the right decision in saying yes to him. Napagtanto ko rin na nandito pa rin talaga ang nararamdaman ko, nagulo lang, at mas nalinawan ako na siya talaga ang gusto ko at minamahal ko dahil sa mga ipinapakita niya sa akin. Ngayon, kapag naaalala ko ang nangyari a month ago, how I met his brother... Leonariz, parang may bigat pa rin, pero hindi na ako masyadong bothered.
Siguro yung bigat nga ay guilt na hindi alam ni Lander ang nangyari. And I don't have any intention of telling him. Ayoko na masira ang magandang relasyon namin, lalo pa at pakiramdam ko... sobra siyang masasaktan kung malalaman niya.
"Mabuti naman. Kasi ang kuya mo, paranoid. Don't tell this to him, ha? Hindi talaga siya naniniwala sa goodness ni Lander. I don't know. Sinabi ko na sa kaniya na may mga ganoong lalake talaga, pero matigas ang paniniwala niya. Iba daw ang kutob niya. Masyado siya kako na nag-iisip, ano ba ang gusto niya talaga kako na gawin?"
I just smiled at that, took a bite of the pizza I was holding, and shook my head. Alam ko naman 'to. Nung nakaraang araw lang, nang sunduin ako ni Lander para pumasok sa university ay talagang ang tagal niya itong tinitigan. Yung mga mata ni Kuya Ariston, nanunuri talaga. Hindi ata siya satisfied sa pagkilatis niya nung gabi na sinagot ko si Lander, eh.
"I understand him, Reiz. Takot ang kuya. Sinabi niya na baka daw ako ang sumalo ng karma niya."
Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko. What I admire about Reiz is her patience—she's really a kind-hearted person. In fact, I get the feeling that if Kuya ever makes a mistake, which I hope he doesn't, she'd still forgive him because it's clear how much she loves him.
I can see it in her eyes. At minsan, kusa niyang sinasabi sa akin ang mga magagandang bagay na ginagawa ng kuya daily, kasi nga hindi naman vocal si kuya sa amin, hindi pala-share. Alam ko na nagtatrabaho pa rin siya sa wine business, pero yung tungkol sa car dealership na nabanggit niya, wala pa siyang sinasabi. Reiz told me that kuya wanted to make sure that everything is okay and ready before sabihin sa amin ni daddy.
But I am happy to know that he's working hard.
"By the way, may career fairs and job seminars ka bukas, 'di ba? Sa La Union?"
Pagkatapos kong uminom, tumango ako kay Reiz. Kumuha rin ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng mga labi ko. Dapat sana ay kasama doon si Lander, but he has to go with his first-year students for charity work related to their Values Education subject. Sinabi ko na ayos lang naman at kaya ko naman mag-isa. Pero kung free na daw siya ay susunod siya.
"Yep. Multi-day seminar. Three days. Nakaayos naman na ako ng mga gamit ko icheck ko na lang ulit later. Na-inform ko na rin si Dad at Kuya Ariston."
Ang daddy ay next week pa uuwi. Na-extend siya sa Singapore. Ang dami nga niya na tanong kung sino ang makakasama ko, pero dahil abala si Lander, sinabi ko na ako lang. And my father is worrying about me like I'm an elementary student!
BINABASA MO ANG
Dirty Games With The Billionaire
RomanceArazella Fhatima Montes despises arrogant fckboys and entitled rich men who believe money can buy everything-especially women. Sinabi niya sa sarili niya na sisiguruhin niya na ang lalakeng papasukin niya sa buhay niya ay hindi ganitong klase. Then...