Chapter 19

380 7 0
                                    

I know I was in real trouble the moment I realized the feelings I had for Leonariz. Pero matigas ang loob ko na hindi ko ito gustong lumalim. I know what he likes, and it's only my body. Hindi niya ako agad tinigilan dahil na rin kay Lander, saka siguro nachallenge lang rin siya kasi hindi ako katulad ng mga babae na luluhod at uungol sa harapan niya.

  I loathe fck boys so much, lalo na ang mga ganitong klase ng lalake sa kaniya.

   The way that man talks to me and how blunt he is about what he wants is enough reason for me to run away and do everything I can to erase this feeling while there's still time.

  At kung ieentertain ko ang pakiramdam na ito, para ko na ring inilubog sa sobrang lalim na tubig ang sarili ko kahit na alam kong hindi ako marunong lumangoy.

  Ano ako nagpapakamatay? Hindi.

  Isa pa, Lander is my ideal man. Ito na nga... hindi ako tanga para pakawalan ko pa.

  At ngayon sigurado na talagang tapos na sa akin ang lalakeng 'yon dahil sa mga binitawan niyang salita. Hindi na talaga siya magpapakita sa akin kahit kailan. Kung magkasalubong man kami ay pakiramdam ko, hindi niya ako papansinin--na parang hindi kilala.

  Napahinga ako ng malalim at nailapat ko ang palad ko sa dibdib ko nang kumirot 'yon. This is really wrong to feel and I'll make sure to forget about all of this. Na walang Leonariz na minsan dumating sa buhay ko.

  "Ara, tulala ka na naman diyan. Hinahangin na ba ang ulo mo?"

  Napasimangot ako anng marinig ang boses ng Kuya Ariston. Nasa kusina kami, parang ito na ata ang naging bonding namin na magkapatid. Nagluluto siya at ina-assist ko lang. Siya ang nagprisinta na maghanda ng dinner dahil nga invited 'yong girlfriend niya. Gusto magpa-impress.

  "May iniisip lang," sagot ko sa kuya at pinatay ko na ang stove. Spaghetti ang iniluluto niya.

  I also invited Lander, ang huling mensahe niya sa akin ay papunta na daw siya. Galing pa 'yon ng faculty meeting. Ayoko nga sana abalahin dahil bukas maaga pa ang alis namin para magpunta sa Baguio at maaga niya akong susunduin kaso itong si kuya, makulit. Ngayon na daw at gusto mag-inuman pa sila pero binawal ko dahil nga may lakad kami bukas. Dinner na lang daw.

  "Oh, bakit? Nambababae si Lander?"

  Ang bilis ng paglingon ko sa Kuya Ariston nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako agad nagsalita dahi pinukpok ko talaga siya ng sandok sa inis ko.

  "O-Ouch, Ara! Masakit 'yan, ha? Hindi ka mabiro."

  "Hindi siya ganoong klase ng lalake. Magkalayo sila ng ugali ni Leonariz!"

  Napatawa naman ang kuya at ako ay dapat bawalain siya sa inis pero natigilan ako sa huling pangalan na nabanggit ko. Ara! Si Lander lang ang usapan! Napalunok ako at tumalikod sa kuya saka padabog ko na inilagay sa sink ang sandok at kumuha ng panibago.

  "Magkalayo talaga ang ugali ng magkapatid na 'yon, Ara. Pero para naman sa akin gusto ko na ang ugali ni Leo kasi aminadong babaero saka barabas. Si Lander kasi kaya gusto kong makilala eh masyadong too good to be true, walang ganon. Baka mamaya pailalim iyan tumira."

  Mas sumimangot ako sa sinabi niya. Nang lumapit ako sa kuya ay akala niya ata papaluin ko siya ulit ng bagong sandok na hawak ko dahil lumayo siya.

  "Ang sama ng tingin mo, ha!" natatawa niyang sagot sa akin.

  "Basta. Matagal ko na rin siyang kilala, hindi mo lang rin maamin na mabuting tao siya, kuya. Kahit kailan ay wala pa akong narinig na masamang bagay tungkol sa kaniya. Ang dami-dami ngang tao na hinahangaan siya."

Dirty Games With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon