"How's your portfolio? Kung may maitutulong ako ay sabihin mo lang sa akin, Ara. Hindi naman ganoon ka-busy ang schedule ko. Nakapag-adjust na rin ako sa pagtuturo."
I tried not to bit my lower lip in front of Lander after he said that. He's even willing to help me. Narito kami ngayon sa may Fasco, isang restaurant na kalahating oras ang layo sa university. Nang magkita kami kanina sa may registrar ay tinanong niya kaagad ako kung may gagawin ako dahil kung wala ay aayain daw sana niya akong kumain.
At syempre wala akong gagawin kaya um-oo agad ako! Kung mayroon rin naman ay isasantabi ko muna dahil mas mahalaga sa akin na makasama siya. I really don't want to waste time, gusto ko talaga siya at mas lumalakas ang loob ko sa kwento ni Faye na kapag daw naririnig niya na may nag-iimbita kay Lander na mga co-professors niya na lumabas, 'yong mga halatang may gusto dito ay tumatanggi daw agad si Lander.
At ikinatuwa ko 'yon. That's a plus point also!
Alam ko kasi na hindi paasa si Lander, saka he's really a good man, gentleman pa kaya nga ang mga estudyante at ibang mga single professors ng university ay hindi rin napipigilan na magpakita ng pagkagusto sa kaniya. Pero kahit isang beses lang, wala akong narinig na issue tungkol sa kaniya, lahat kasi ay mabubuti. Kung gaano rin siya kagaling makisama.
"Okay naman... hindi ko pa tapos. Kaya ko na 'yon alam ko naman na mas magiging abala ka dahil rin sa recognition at ibang mga program na parating," sagot ko at ngumiti sa kaniya bago ako sumubo ng strawberry cake.
Kahit ang cake na 'to, na siya ang nag-order ay ikinagulat ko. I don't know kung saan niya nalaman na paborito ko ang strawberry. Nang magtaka kasi ako kanina at sinabi kung bakit alam niya kung ano ang gusto ko ay nagsalumbaba siya sa harapan ko at ang sagot lang ay, 'Secret'.
And it's not a coincidence! He definitely knows that strawberry is my favorite, so that's the flavor of the cake he ordered!
Ngayon ay iniisip ko tuloy kung saan ba niya 'yon nalaman kasi wala naman akong napagsasabihan. Imposible naman na kay Faye o sa mga kaklase ko kasi hindi naman ako nagsasabi sa kanila ng mga bagay na gusto ko. Oo malapit rin ako sa kanila pero hindi ko maalala na may sinabihan ako ng mga pagkain na paborito ko.
"I am always free if it's about you, Ara," ngiti na naman niya sa akin.
Napatigil ako sa pagsubo sa pangatlong kutsara ng cake dahil nagkatagpo rin ang mga mata namin. I cleared my throat and nodded, oo malakas ang loob ko, straightforward rin ako pero... parang pinanghihinaan ako ngayon ng loob dahil sa tingin niya sa akin! A-And I don't want to assume but, the way his eyes look at me I felt like he... No, Ara! Mas masakit kapag binigyan mo ng kahulugan ang actions ni Lander! Let him tell you what his feeling, wait! Huwag ka rin basta aamin kung hindi siya nagsasabi ng nararamdaman niya.
"Ahh. T-Thank you. Pero promise, kaya ko na 'yon. Saka hindi pa naman pasamah. May isang linggo na deadline pa. Ikaw? Kumusta naman ang mga first year and second year?" tanong ko. Napangisi siya at umiling. He took a sip on his smootie. Nagpunas ng tissue sa bibig bago tumingin muli sa akin at magsalita.
"Makukulit. Maraming mga tanong pero enjoy naman ako."
We rarely go out, pero nagkakasalubong naman kami sa hallway, o kapag nagkakakita sa library at nagkakausap rin. But kahit na hindi madalas kami na magkasama at hindi ko rin siya madalas makita sa university ay hindi naman nabawasan ang feelings ko para sa kaniya. It's still the same.
"My co-professors are also supportive. They told me not to hesitate to ask for their help."
I nod and then continue to eat my cake. Nakadalawang sunod na subo na ako, nangangalahati na rin 'yon ay wala pa ulit nagsasalita sa amin na dalawa. At nang mapatingin ako sandali kay Lander ay nasa labas ng bintana ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Dirty Games With The Billionaire
RomanceArazella Fhatima Montes despises arrogant fckboys and entitled rich men who believe money can buy everything-especially women. Sinabi niya sa sarili niya na sisiguruhin niya na ang lalakeng papasukin niya sa buhay niya ay hindi ganitong klase. Then...