Chapter 18

382 4 0
                                    

Arazella

It's been three days since I saw Leonariz making out with a woman in the dressing room of the auditorium.

Naisauli ko na rin pala ang gown dahil nakita ko rin kinabukasan sa napag-iwanan ko. At simula non, sa tatlong araw rin na nakalipas ay hindi ko na siya nakita, hindi na siya muling nagpadala ng kung anong bagay katulad ng nakaraang linggo bago ng naganap na 'yon sa audi at wala na rin mensahe mula sa kaniya. Ngayon ko mas napagtanto na tapos na nga siya sa akin at nasa ibang babae na ang interes niya.

Kung iisipin rin, mag tu-two weeks na.

Itinapon ko nang lahat rin ang mga bulaklak na galing sa kaniya at wala na akong kahit isang itinira pero ang mga regalo--ang mga mamahalin na alahas ay itinabi ko at balak ko na ipadala dahil hindi biro ang halaga ng bawat isa non at nasa limang alahas pa 'yon. Pero kung paano ko maibabalik ay hindi ko pa alam.

Hindi naman pwede na itanong ko kay Lander ang address ng bahay nito dahil sigurado na magtataka siya. Hindi ko naman rin pwedeng basta na iwan na lang doon sa pinakabahay nila. Kaso ayoko rin talaga na itabi lang dito. Ayoko na may maiwan na bagay sa akin na bigay ng lalakeng 'yon.

Kung pumunta ako sa kumpanya niya at iwan doon? Hindi ko naman siya kikitain. Iiwan ko na lang dahil sigurado naman na makakarating sa kaniya 'yon. Kung hindi ay bahala na.

Nalaman ko na siya ang may-ari ng Vallano, kilalang brand ng mga sasakyan 'yon. Unang beses ko na narinig 'yon nang banggitin ng university namin isa-isa ang mga sponsors last year noong foundation dahil limang service car ang dinonate nito sa university.

He's really successful at his young age. Pero pareho lang sila ni Lander.

It's surprising that despite his evilness toward me, I found out that he has many charities under him.

Sa akin lang siguro siya demonyo?

Umismid ako at napanguso. Nagsalumbaba ako nang maalala ang mukha ng lalakeng 'yon. Kung gaano kalinaw ang malamig na tingin sa akin.

"Para wala na akong isipin, dalhin ko na lang nga sa kumpanya niya at iwan doon," bulong ko.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang mga alahas na 'yon. The jewelry pieces are high-end brands, each costing between $3,000 and $5,000. Hindi talaga ako mapapakali kung hindi ko 'yon maibabalik.

"Ara, wala kang pasok?"

Napatingin ako sa Kuya Ariston na kadarating lang sa dining area. Humihikab pa siya at halatang inaantok pa. Maaga naman siyang umuwi kagabi? Magkasunuran lang sila ni dad.

"Mayroon pero alas-onse pa naman," sagot ko at tumingin sa oras sa cellphone ko. 7:30 am.

"Dito ka mag-aagahan? Anong oras ka papasok sa company?" tanong ko at tumayo. Dahil kung dito siya kakain ay magluluto na ako ng almusal. Naalala ko rin ang daddy dahil siguradong papasok na naman ito ng hindi kumakain. Nang makarating ako sa kusina ay kumuha ako sa ref ng iluluto. Longganisa at tocino na lang saka pritong itlog.

"Oo dito. Papasok rin ako pero nagsabi ako kay dad na 1:00 pm na dahil may kukunin akong kotse sa talyer. May binili ako na bago."

Simula nang bumalik siya ay naging abala na siya. Pero narinig ko sa dad na hindi naman daw dahil sa kumpanya. Hindi naman ito non galit at iritado nang sagutin ako, honestly, sa nakalipas na tatlong araw simula nang makabalik ang Kuya Ariston ay magaan na ang aura nilang dalawa sa isa't-isa. Pansin ko na may pagbabago talaga. Saka, natuwa ako dahil simula rin non ay sabay-sabay na kaming kumakain.

"Kuya, may gusto ka bang kainin?" tanong ko. Umiling naman ang Kuya Ariston habang ang atensyon ay nasa cellphone niya. Nakaupo siya ngayon dito sa kitchen. Nang maalala ko ang request niya na coffee ay iyon muna ang inuna ko na timplahin.

Dirty Games With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon