Chapter 14

382 7 0
                                    

I can't sleep!

It's 1:00 am and here I am wide awake. Nakailang biling na rin ako sa kama ko, I turn off my lights which I do not usually do, I lahat na sinubukan ko para makatulog pero hindi talaga ako inaantok.

"Urgh!" bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Magkausap pa kami ni Lander hanggang 12, non pa lang siya pauwi sa bahay nila. Kinumusta ko rin kasi ang estudyante niya at naihatid naman daw niya ito sa bahay nito.

Sinabi ko rin pala sa kaniya na nandito ang kapatid niya at nagulat ako nang malaman ko na alam naman rin pala niya. He wasn't bothered about it. O nag-expect lang ako na iba ang magiging reaksyon niya? Hindi ba niya alam ang ugali ng kapatid niya sa mga babae?

Nang sabihin niya naman na si Leonariz ang nagsabi mismo na nandito ito ay napatango na lang ako sa video call kanina habang nagmamaneho siya. I didn't know that they're that close. Pero mas napatunayan ko na maayos talaga ang relasyon nilang magkapatid at naramdaman ko rin ang malasakit ni Leonariz sa mga binitawan nito na salita sa akin kagabi. How he doesn't like me for Lander. Nasaktan ako doon dahil hindi ko rin naman gusto talaga na tumugon sa mga halik niya, labag rin sa loob ko dahil alam ko sa sarili ko kung sino ang gusto ko.

Sadyang nadadala ka lang, Ara!

Napabuntong hininga ako.I don't know. I hate that he forced me, but for some reason, my body responded against my will. At hindi talaga tama. At valid ang dahilan ng lalakeng 'yon kung bakit ayaw niya ako para kay Lander. Even though he's always provoking me, mali na talagang tumutugon ako. Kaya hindi niya lang kasalanan, Arazella. At kanina, nakaisa na naman ng halik ang lalakeng 'yon. I couldn't believe that even after our conversation at the dining area, he would kiss me again. Siguro umasa lang ako na titigilan na niya ako dahil ipinaliwanag ko rin ang sarili ko. Na talagang seryoso ako kay Lander.

"But he really won't stop until he gets what he wants."

As if naman na makukuha niya kung ano ang gusto niya sa--

Stop!

Napapikit ako ng mariin dahil sa naisip ko na 'to. Dito ako napapahamak dahil sa tuwing magsasabi ako ng isang bagay na hindi na magagawa ng lalakeng 'yon ay agad naman 'yon mismong nangyayari.

"Haaa! I really need to sleep to stop these thoughts!"

I decided to go down. Naglakad ako papuntang kitchen para magtimpla na lang ng gatas. Sigurado ako na tulog na ang Leonariz na 'yon ngayon. Sana ay maaga rin siya na umalis para hindi ko na siya makita pa mamayang umaga.

Pagkalabas ko ng silid ko ay nasa hagdan pa lang ako at hindi pa nakakababa ay may napansin na ako. Bukas ang ilaw--no ang mismong pinto sa guest room kung nasaan ang lalakeng 'yon kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Lumabas ba siya?"

Naglakad ako palapit doon at sinilip ang loob ng silid. Wala. Saan nagpunta 'yon? Don't tell me umuwi na siya sa bahay niya? Hell. Anong oras pa lang, 'no! Saka hindi maganda ang pakiramdam non kagabi. Talagang mainit siya!

Pumasok ako sa loob ng guest room pero nang makita ko na nandoon pa rin ang cellphone nito pati ang polo at ang relo ay nakumpirma ko na nandito pa ito at hindi pa naman umuuwi. Napatingin ako sa banyo, nakaawang ang pinto non. Lumapit ako at binuksan pero walang tao.

"Nasaan nagpunta 'yon?"

I left the guest room and went down. At nang makababa ako at makarating ako sa kitchen ay doon ko na nga ito nakita. Napailing ako at napangiti na lang dahil kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa pakete ng pancit canton na hawak.

Mukhang nagutom ata ulit. Teka, okay na ba siya?

Sa itsura nito ay mukhang nakatulog naman dahil gulo-gulo ang buhok. Wala rin itong damit pang-itaas. Oo nga pala! Basa 'yong polo niya at wala siyang ibang susuotin! Hindi naman ako makakakuha ng damit sa Kuya Ariston para ipahiram dito kasi nakalock ang kwarto non.

Dirty Games With The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon