I am still breathing heavily. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kahit alam kong ilang minuto na ang nakalipas. Napapikit ako at mariin ko na idinikit ang mga palad ko sa aking mukha. I am scolding myself for kissing back, again. That jerk Leonriz will use it against me the next time we meet again.
At nang maisip ko 'yon ay nais ko sanang sabihin na hindi kami magkikita at ito na ang huli pero napakalabo non.
B-Because he's Lander's brother.
Kinagat ko ng mariin ang pang-ibabang labi ko at nakaramdam ako ng matinding inis. Hindi lang kay Leonariz kung hindi pa rin na rin sa sarili ko. I need to guard myself, if ever he will appear in front of me again, kailangan ko na gamitin ang buong lakas ko para kumawala, or ask for help. B-Because I don't want this feeling.
Alam ko sa sarili ko na si Lander ang gusto ko, and he's the man I wanted to be with. Ang katulad niya ang pinapangarap ko na lalake, mabait, maalaga, mabuting tao at alam na alam ko na hindi ako sasaktan.
It just upsets me... and I want to cry because that devil is messing with my mind right now.
"Get u-up, Ara," I told myself. This is also not the right place for me to cry. Tumayo ako at tumingala, nang walang luha na tumulo mula sa akin ay nagpasalama ako. Dahan-dahan rin ako na naglakad.
Just be careful... extra careful next time.
My heart is with Lander, but I feel like Leonariz is controlling my body. I felt like he's making my it respond the way he wants it to. At sa huli natatalo ako, dahil kahit ako ang may-ari ng katawan na 'to ay nakukuha ng demonyong 'yon ang gusto niya.
Bumalik ako sa pwesto kung saan ako iniwan ni Lander. At wala siya doon. Napatingin rin ako sa paligid dahil hindi ko na naririnig ang boses niya. And when I was about to go and leave, saka ko naman ulit narinig ang tunog ng pinto at ilang sandali pa ay nakita ko nang naglalakad sa harapan ko si Lander.
"I thought you left because you got bored," nakangiting sabi niya. I tried to smiled at him. Bigla akong nangamba sa itsura ko. Is my face okay? My hair? Hindi ba gulo-gulo? Pasimple ko na hinawi ang buhok ko bago siya makalapit.
"Hindi naman ako aalis ng hindi mo alam," sagot ko naman nang nasa harapan ko na siya.
"N-Naghanap lang rin ako ng comfort room, nawala ako," pagsisinungaling ko.
"Oh. Sorry, Ara. Medyo natagalan rin ako na kumuha ng glass and wine opener dahil may tumawag sa akin na co-professor ko. But, are you fine now? Samahan kita," sabi niya pero umiling ako. Muling ngumiti sa kaniya.
"N-No. Okay na ako," sambit ko at tumingin sa likod niya, sa gawi ng maliit na lamesa kung nasaan ang mga dala niya kanina.
Thank goodness that he didn't caught us. Pero ramdam ko rin kanina na hindi gusto ng Leonariz na 'yon na makita kami ni Lander. He even pulled me to the other side because he knew his brother would come our way. A-At kaya lang rin niya 'yon ginawa para mas mahalikan lang ako ulit.
"Do you want us to taste the wine here? O sa labas na, Ara?"
"S-Sa labas na lang," mabilis ko na sagot dahil hindi ko na gustong manatili pa dito sa cellar. Pakiramdam ko ay may mga mata na nakamasid sa akin--mga mata ng demonyong lalake na 'yon.
Nang marinig ni Lander ang sinabi ko ay tumango siya at ngumiti. Nakaramdam naman ako ng guilt, nakokonsensya. Ilang beses na ako na nahalikan ng kapatid niya and here I am, still clinging to him like this.
Hindi ko rin siya magawang isuko. Gusto ko talaga siya.
I just hope that evil man will stop playing with me. He should end whatever game he's trying to play right now. Dahil wala akong panahon sa mga katulad niya. Ayoko na rin na magtagpo ang landas namin kaya kung aayain ako ulit dito ni Lander ay tatanggi na ako. I need to make sure that Leonariz and I will never cross path again.
BINABASA MO ANG
Dirty Games With The Billionaire
RomanceArazella Fhatima Montes despises arrogant fckboys and entitled rich men who believe money can buy everything-especially women. Sinabi niya sa sarili niya na sisiguruhin niya na ang lalakeng papasukin niya sa buhay niya ay hindi ganitong klase. Then...