Chapter 1

192 15 7
                                    

"So yung mga numbers at letters na tina-type mo riyan maayos niya yung error sa website namin?" Nathan asked her curiously. Sinubakan niyang huminga ng normal ngunit sa sobrang lapit nito nahihirapan siya.She can smell his fine cologne.

Too close,Nathan..too close

Kasalukuyang nasa Zyron's Lane sila ng binata.Isa itong Bakery shop na patok na patok sa Cupid Ville. Nakapuwesto sila sa paborito nilang lokasyon ng Zyron's Lane na malapit sa bintana wala kasing customer na nakatambay.

"Oo nga." Kalamadong sagot niya habang hindi pa rin kinukuha ang atensyon sa screen ng kanyang laptop. Nagpatulong kasi ang binata na ayusin ang website ng mga ito dahil hindi uma-appear yung list ng shows ng mga ito sa website at dahil graduate siya ng kursong Information Technology, siya mismo ang unang pinuntahan nito at dahil na rin sa tatlong bahay lang ang pagitan nilang dalawa at libre din.

Nathan Davis is a singer/rapper and songwriter of a Music Duo named AfterHours.Kasama nito ang kaibigan nito na si Ed na half British at half Filipino. Ed is the producer while Nathan do the vocals they have 3 more members Jared their Manager, Alex in charge of the road crew and Kyler their tour manager.

"Are you sure about that---"

"Oo nga Nathan." Napakamot siya ng noo at tiningnan ito. "Do you trust me?"

Umayos ito ng upo at tumikhim.

Leaning back he looked at her with a question in his eyes.

"Is that a trick question?"

She rolled her eyes. "No."

Ngumiti ito sa kanya at tumango. "Of course I do. I'm just curious----"

Ngunit bago pa matapos ni Nathan ang sasabihin ay biglang sumulpot si Leigh sa kanilang harapan na hindi mapinta ang mukha.

"Buwesit na Mark yun! Buwesit! Buwesit!"

Si Mark ang ex-boyfriend nito na nakipag break sa kaibigan niya dahil daw wala na daw itong time sa binata which she disagree dahil almost every day magkasama ang dalawa minsan nga hindi na sumasabay si Leigh sa kanila mag dinner dahil kasama nito si Mark. She mentally rolled her eyes sa rason ni Mark alam niya at alam ng buong opisina na isang playboy si Mark in fact sinabi niya ito kay Leigh pero hindi talaga ito nakinig sa kanya.

Sinirado niya ang kanyang laptop at hinarap ang kaibigan.

"Oh bakit? Anong nangyari?" tanong niya at umayos ng upo.

"Sinabi niya kay Papa na ako raw ang nakipag-break sa kanya! Ang walang hiya! May guts pa mag sumbong ng isang kasinungalingan!"

Napabuntong hininga siya habang pinapakinggan ang pagsisintir ng kanyang matalik na kaibigan. Dalawang buwan ng break si Leigh at boyfriend nito na si Mark sa umpisa pa lang hindi naman talaga siya boto kay Mark kaya lang dahil matigas ang ulo ng kanyang kaibigan hayun pinatulan ang lalaki. Iisang kompanya lang sila na pinagtatrabahuan ni Mark kaya alam na alam niya na playboy talaga ito.

"Why don't you guys talk like normal people do?"

"Talk?! Break na kami tapos sasabihan mo ko na mag usap kami na parang normal na tao?!"

Kumibit balikat siya at nag salita. "Bakit kalian pa naging mali ang magkipagusap sa isang ex?"

"Oo nga naman." Singgit ni Nathan.

Her friend rolled her eyes. "Hindi lahat ng mag syota na nag break na ay magiging kagaya sa inyong dalawa na puwedeng maging friends okay? Anyways so nag level up na ba ang---"

Magsasalita sana siya ngunit tinaas ng binata ang hintutro nito at nag salita. "Actually we're bestfriends."

Nanlaki ang kanyang mata at umiling iling kay Leigh na nagsasabing hindi niya ginawa ang pinagusapan nila and their eye conversation goes like this.

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon