Chapter 3

73 15 7
                                    

"Good Morning Ma'am." masiglang bati sa kanya ng mga emplayado habang patungo siya sa kanyang opisina.

Isang siyang Head ng IT Department ng PBR Tech at isa rin siyang System Administrator at kung may nagtatanong kung ano ang trabho niya System Administrator ang sinasagot niya. Siya at ang mga empleyado niya ang nagma-manage at mo-monitor ng Network ng buong kompanya.

Kung wala naman problema sa Network ang ibang department wala naman silang masyadong trabaho.

"Good Morning,guys." bati rin niya sa mga ito bago pumasok sa kanyang opisina.

Nilapag niya ang kanyang bag sa kanyang desk at naupo. Actually antok na antok siya ilang oras lang kasi ang tulog niya.

Lampas ala una na sila umuwi galing sa bahay nina Maisie. Pinaandar niya ang kanyang Desktop Computer nang makarinig siyang mahinang magpagkatok sa kanyang pintuan.Bumukas iyon at sumungaw ang nakangiting mukha ni Clarke.

"What's up boss?" Ito ang may ari ng PBR Tech at well you can say na magkaibigan sila.

Iisang University lang sila noong college sila.

"Ang bigat naman niyan." sabi nito at tuluyan ng pumasok sa kanyang opisina.

"Yung alin?"

"Yung eyebags mo."

Dinampot niya ang unang na kita sa kanyang desk at hinagis rito. Agad naman nasalo nito ang ballpen.

"Leave my eyebags alone."

Ngumisi ito sa kanya at napaupo. Dalawang taon ang tanda ng binata sa kanya. Nagkakilala sila sa isang contest ng kanilang college at pagtapos nun naging mag partner sila sa lahat ng competition.

Nauna itong grumaduate at pagkalipas ng dalawang taon agad siyang kinontak na kukunin siyang bilang System Adminstrator ng kompanya nito noong una ayaw niya dahil fresh graduate pa lang siya at mataas na na posisyon ang binigay rito but he convinced her that she can do it. Well as you can see she did.

"Ready na pala by Monday yung i-re-release nating website para isang kliyente natin and I'm thinking if you can hack it."

She rolled her eyes. Paminsan minsan kasi meron silang laro na dalawa.

She'll try to hack the website then and if she can gagawin ni Clarke ang lahat ng sinabi nito kung hindi niya ma hack iyon gagawin rin niya ang lahat ng sasabihin nito for a day.

Minsan nahihirapan siya dahil lahat ng website na ina-approbahan nito ay dumadaan talaga sa binata kumbaga may personal touch talaga ito ni Clarke.

"Oh sige. Ita-try ko mamayang gabi."

"Pustahan tayo hindi mo ma ha-hack yung website."

"Sige ilang daan ang pusta mo?"

"Wag pera ang pustahan natin.Nagtitipid ako." sagot ng binata.

"Ang kuripot mo talaga."

"Hindi kuripot ang tawag do'n I'm just good with budgeting my money."

She once rolled her eyes. Kuripot talaga. Milyones na yata pera nito pero kuripot pa rin "Whatever. Ano na?"

"Ito-tour mo ko sa Cupid Ville." sabi nito.

Patay na patay talaga si Clarke sa tinitirhan niyang subdivision. Hindi niya ito masisisi kahit siya proud na proud sa kanilang subdivision. Hindi naman kasi biro ang pumasok sa exclusive nilang subdivision marami ka pang dapat asikasuhin.

Halos kompleto na kasi ang facilities ng subdivision nila. May Park,may swimming pool,may computer shop at marami pang iba. Mahigpit rin ang seguridad sa Cupid Ville hindi ka lang basta basta makapasok roon kung hindi mo dala ang Cupid Ville ID mo at kung incase na makalimutan mo ang Cupid Ville mo meron na silang biometrics na kung saan ilalagay mo lang ang thumb mo sa maliit na device at kung makita sa computer na nakarehistro ka bilang residente makakapasok ka rito.

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon