Chapter 12

34 12 1
                                    

Chapter 12


Napailing iling si Safiya ng maala niya ang sinabi ni Nathan.Katatapos lang niya i-update ang bagong server ng HR kaya wala na siyang gagawin.

"Hindi kita liligawan hangga't hindi mo inaamin na ikaw ang nag friendzone sakin."

Liligawan? Siya? Siya liligawan ni Nathan?

"Yeah right." she said to herself sarcastically.

Bakit naman siya liligawan? Eh may girlfriend ito?

Pagkatapos nito sabihin sa kanya nag walk out agad siya. Maliban sa hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito naiirita siya. May girlfriend ito tapos liligawan siya? Ano toh? Lokohan? Niloloko ba siya ni Nathan? Bakit naging iba ang perspective nito sa love? Akala ba niya "When he love someone his loving it all the way."? Bakit ngayon kung umasta ito parang playboy? Parang hindi niya tuloy ito kilala.

Nakuha ang atensyon niya sa kanyang iniisip ng nagvibrate ang kanyang cellphone nahudyat na may message.Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi at tiningnan ang nagtext.Si Yofi.Hindi pa kasi sila nagkita ng dumating siya galing Iloilo kaya na-miss niya rin ang dalawa.

Yofi: Lunch?

Safiya: Libre?

Yofi: Libre.

Hindi pa siya naka reply nagtext uli ito.

Yofi: Ni Leigh.

Napangiti siya sa text ni Leigh.

Safiya: Sige marami namang pera ang babaeng yun.

Yofi: Sinabi mo pa. Text2 na lang mamaya.

Hindi na niya ito nireplyan. Tiningnan niya ang oras sa kanyang desktop malapit na mag 11:30 dito na muna siya sa kanyang opsina.

Habang nakatitig si Safiya sa kanyang desktop bigla na naman nag vibrate ang phone niya hugyat na may nagtext na naman sa kanya.

Nabuntong hininga siya ng makita na galing kay Nathan ang text.

Nathan: Lunch?

She rolled her eyes. Hindi niya ito re-replyan. Kainis talaga! Bakit kasi pasend send pa siya ng voice message rito! Ini-expect niya na mag-uusap sila ni Nathan tungkol doon pero ang hindi niya ini-expect ay biglaang pagsabi nito naliligawan siya. She wanted to ask why he wanted to court her but she seems can't find the words.

"Ano ba ang laro mo,Nathan?"

"LILIGAWAN ka niya? Oh anong sagot mo?"

She pursed her lips.

"Hinalikan mo?!"

"Hindi ah! Sira! Nag walked out ako."

Pumalatak ang dalawa niyang kaibigan. Nasa isang Thai Restaurant sila ngayon pili ni Leigh libre naman daw nito kaya ito daw ang may karapatan pumili ng Restaurant.

"Walked out? Sira ka ba? Bakit ka nag walked out?"

"Oo nga." sangayon ni Yofi. "Mataggal mo ng hinitintay toh,Saf. Finally liligawan ka ni Nathan." patuloy nito.

"Eh hindi naman ako nag-eexpect ng ganito eh.Ang bilis lang."

Leigh exaggeratedly rolled her eyes.

"Anong mabilis? Hello 3 years kaya iyon. Safiya hindi mo ba nakikita? Gusto ka rin ng taong gusto mo."

"May girlfriend si Nathan." sabi niya.

"Wala na sila ng girlfriend niya,Saf. Hindi playboy si Nathan." wika naman ni Yofi.

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon