Chapter 6

59 15 5
                                    

"I still can't believe you have a date with Andrew. He's like a Millionaire playboy or something."

Kunot noong tinginan ko si Leigh.

"Paano mo naman nalaman yan?"

"Na ano?"

"Na playboy si Andrew."

"Kaibigan siya ng boss ko at kadalasan ko siyang nakikita sa building namin so..."sagot ni Leigh habang tinatanggal nito suot na heels.

Katatapos lang nila mag shopping ng damit para sa date niya kay Andrew mamayang gabi.

"Eh paano mo naman na sabi na playboy siya? Ikaw talaga Leigh ang judgmental mo." wika ni Yofi habang nakahiga sa kanyang kama.

"Playboy yung boss ko kaya malamang playboy din siya noh."

"Date lang naman yun mga bruha at isa di na ko nage-expect na yayain niya pa ko ng second date."

"C'mon Safiya you're pretty and smart and funny magugustuhan ka niya. Wag mo ng pansinin ang pinagsasabi ni Leigh."sabi ni Yofi na always positive ang pananaw sa lahat ng bagay.

"Fine. Pero okay din yun na pumayag ka ng makipagdate,Saf kaysa naman na maghintay ka kay Nathan naku! isang dekada pa siguro yun mag da-damoves sayo."

"Pero guys nagdate kami kagabi." masigla niyang pahayag sa mga ito.

"Nag date kayo nino?

"Ni Nathan."

"Di nga?" di makapaniwalang sabi ng mga ito.

"Oo nga.Kaya lang pretend. Pinakita lang niya sakin kung ano talaga first date." sumimangot siya habang sinasabi niya iyon sa mga kaibigan niya. Pero talagang nag enjoy siya kasama si Nathan hindi siya kinabahan at kahit wala siyang pag-asa rito at least naranasan niya na makadate ang binata.

"Ngayon lang yata ako nakarinig na may first na pina-practice.Ano na namang trip yang pinaggagawa ni Nathan sayo ha?" wika ni Leigh

"Ay baka gusto lang niya siya yung first date ever mo..." sabi naman ni Yofi.

Well kung siya ang pipiliin gusto niya ang version ni Yofi ngunit parang impossible naman na mangyari iyon. Nagmagandang loob lang si Nathan ayaw lang nito na mapahiya siya sa date nila ni Andrew. He's just being a good friend.

"Yeah right..." sarkastikong sabad ni Leigh.

"Hay Leigh as ever you're so bitter.."

"Nyeh nyeh nyeh bitter ka dyan."

"Tumahimik nga kayong dalawa riyan." suway niya sa mga ito.

"Oy teka ikaw Yofi akala ko ba may pinapaggawa yung boss mo sayo? Ano ulit iyon?"

Yofi pursed her lips which she finds it really cute. Si Yofi ang cute sa kanilang tatlo kahit anong ekspresyon nito. Si Leigh well masasabi niya ito ang pinaka bubbly sa kanila and she always speaks her mind negative man o positive. Siya naman hindi naman niya masasabi na seryoso siya it's just it takes time for her to loosen up bago tuluyan na maging open siya sa ibang tao. Iba't iba sila ng mga characteristic but who cares right?

"Yes." sagot nito sabay tingin ng relo nito. "Oh shoot! I have to go."

"Agad agad? Maaga pa naman ah." aniya

"Baka ma traffic ako. Leigh hatid mo ko."

Sa kanilang tatlo si Leigh lang ang may sasakyan.

"No. Gusto kong matulog.Mag drive ka mag-isa."

"Pero hindi ako marunong mag drive."

"Oh. Well mag taxi ka."

"Magastos."

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon