Chapter 14

24 2 0
                                    

Chapter 14

Napahikab si Safiya habang papunta siya sa kanilang breakroom.It's almost 9:30 in the evening at hindi pa siya nakauwi.Inaayos pa kasi nila ni Clarke ang proxy server nila.

"Ay walang food." Nakasimangot na sabi niya nang binuksan niya ang Ref.

Lumabas siya ng breakroom at muling tumungo ng Conference Room kung saan si Clarke.

"Clarke wala ng food sa ref." aniya ng makapasok sa conference room.

"Alam ko kaya nagpa-deliver ako ng food."

Ang nakasimangot na mukha ay biglang siya napangiti.

"Ay nice."

Umaangat ng tingin si Clarke at ni-ngisihan siya.

"Nice talaga." Sabi pa nito.

"Punta na lang muna ako ng server room.Wala pa naman aniya rito.

"Oh sige."

Palabas muli siya ng conference room agad na nag vibrate na naman ang cellphone niya. Alam niya na si Nathan ang nagtext almost every hour yata ito nagte-text sa kanya at first okay lang naman napangiti siya sa mga text nito ngunit habang tumataggal nakakairita na ang every hour na text nito. Noon hindi naman ganito si Nathan.

Muling nag vibrate ang phone niya.

Malakas na napabuntong hininga siya at kinuha sa bulsa ang kanyang cellphone.

Nathan: Don't work too hard.

She wanted groan in frustration. Why is he doing this? Why can't he just stop? Na-miss na niya ang dating Nathan na puwede niyang itext na walang halong malisya ,na puwede niyang yayain kumain sa labas na puwedeng makausap kahit sa anong bagay ngayon kasi hindi niya magawa iyon kung hindi naman ito sa bahay nila nakatambay kinukulit naman siya nito sa text.Puwedeng sabihin na hindi siya sa sanay rito noong naging sila ni Nathan noong highschool hindi naman kasi ito ganito ka kulit ngayon lang talaga.

She knew eventually kailangan nilang mag-usap ng masinsinan and she means by 'masinsinan' ay walang half naked na Nathan walang hirit hirit walang bola bola just the two of them like grown-ups.

Nang makarating siya sa server room muli niyang binabad ang sarili sa trabaho.

Patapos na siya sa isang workstation ng may nakarinig siyang katok.

Napaangat siya ng tingin at nakangiting na Nathan ang bumati sa kanya.May hawak hawak itong paper bag na logo ang kanilang restuarant.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya rito.Pumasok ito at lumapit sa kanya.

"Dinalhan kita ng dinner." Sagot nito at pinatong ang paper bag sa desk.

"Nasaan si Clarke?"

"Oh nasa office niya nauna ng mag dinner. Ilalagay ko na ba dito or sa office mo lang?"

"Sa office----"

"Okay. Tara." Sabi nito at nauna ng lumabas ng server room. Agad naman niyang sinundan ang binata.

Habang naglalakad siya patungo sa kanyang opisina napaisip siya.. What if kung ngayon niya kausapin si Nathan? Sila lang naman ngayon,tapos walang istorbo..makakausap sila ng maayos.

Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam paano uumpisahan.

Nang makarating siya sa kanyang opisina malakas na napabuntong hininga siya at binuksan ang pinto.

Kasalukuyang inaayos ni Nathan ang mga dinala nitong pagkain.

Napalingon ito at ningitian siya.

"Kain ka na Saf."

Tinitigan niya ang binata. They really need to talk about it.

Kung patataggalin niya pa ito mahihirapan lang siya. She can't be herself with him anymore.

"Nathan,we need to talk about this."

He looked at her intently.

"Yeah sure. What do you want to talk about?"

"Bakit tayo nagkakaganito?"

"Ano ang ibig mong sabihin,Safiya?"

"The way you act lately. Naiilang na ko."

"Naiilang?"

"Nathan,tigilan mo na ang pagpapa-cute mo sa akin."

"Hindi lang ako nag papacute sayo,Safiya."

"Hindi lang? Eh ano yung ginagawa mo?"

"Nanliligaw ako."

"Anong--" napatiggil siya ng ma realize niya kung ano ang sinabi ni Nathan.

Nanliligaw na si Nathan sa kanya?

Napakamot siya ng kilay. Gulong gulo na ang kanyang isipan.

"Pero teka lang. Akala ko ba sinabi mo na hindi ka manliligaw kung hindi ako aaminin na ako ang nag friendzone sayo? Ano ba talaga Nathan?"

Sinakop ng binata ang dalawang niyang kamay at tinitigan siya derekta sa mata.

"Safiya, sinabi ko lang iyon at isa pa kilala kita kita alam ko na hinding hindi ka aamin sa akin---"

"Hindi naman talaga."

Ngumisi ito.

"Kaya nga. Sinabi ko lang iyon sayo pero nanliligaw na talaga ako."

Binawi niya ang kanyang mga kamay rito. Parang hindi na siya komportable sa kanilang pinag-uusapan.

Oo mataggal na niyang hinihintay ito pero ngayon parang ang bilis lang. Mas importante ang kanilang pagkakaibigan ng binata.

"Bakit pa,Nathan? Hindi ko sinabi yun sa iya para ligawan mo ko. Sinabi ko iyon para wala na kong tinatago sayo. Sinabi ko iyon dahil napapagod na kong magtago ng nararamdaman ko."

Direktang tiningnan niya sa mata ang binata nakatitig rin ito sa kanya. Tila bang dina-digest pa lang nito ang sinabi niya.

Nanlalamig ang kanyang mga kamay.Ang tibok ng puso niya parang dinig na dinig na niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi niya kay Nathan pero dapat niya iyon sabihin kailangan niya iyon sabihin.

"Ako rin naman. Pagod na rin akong magtago nang nararamdaman ko sayo,Saf.

"Anong pagod---Wait what?"

"Mahal kita." Tila parang tumiggil ang mundo ni Safiya ng marinig niya ang mga katagang iyon.Dinig na dinig niya ang tibok ng kanyang puso. Sinabi ba talaga ng binata iyon?

"Nathan----"

Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang hinalikan siya ng binata. Hindi sa ilong..hindi rin sa pisngi kundi sa labi. Mga ilang segundo din tumaggal ang halik nito ngunit sadyang tumggil lang talaga ang mundo niya. Naestatwa siya sa kanyang kinauupuan.

Bilong na bilong ang mata nagkatinginan silang dalawa.

"Hinalikan mo ko." Hindi makapaniwalang sabi niya rito.

"Hinalikan kita." sabi din niyo ngunit nakangiti ito na tila parang hindi rin makapaniwala na sa ginawa nito.

"Shit. Hinalikan mo ko." Aniya muli at tinakpan ang kanyang labi.

"Yes." He said proudly and left.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon