Chapter 2

78 15 7
                                    

Kuno't noong pa tingin tingin siya sa kanyang relong pambisig 15 minutes na siyang naghihintay kay Nathan wala pa rin ito.Nakabili na siya ng ticket at popcorn at wala pa rin ito hanggang ngayon. Biglaan na plano niya ito at halos lahat niya na empleyado nakapanood na nito at naiingit siya dahil nabasa niya ang libro at curious rin siya kung paano nito gagawin ng movie ang ganoon na klase na libro.Niyaya niya si Yofi at Leigh ngunit napanood na raw ng mga ito okay na sana sa kanya na manood mag-isa ngunit bigla tinawagan siya ni Nathan at tinanong kung ano oras daw yung palabas. She was caught off guard wala talaga kasi siyang balak na yayain si Nathan but Leigh just don't give up easily because she called Nathan at sinabi pa nito na magpapasama raw siya na manood ng sine.

Nilabas niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang binata .Sa ikalawang ring na nito sinagot.

"Eto na nag pa-park na,Saffy.Saan ka banda?" said the raspy voice in the other end of the line.

"Dito na ko sa labas ng cinema 8. Bilisan mo na."aniya rito.

"Okay okay. Wait lang." Narinig niya ang mga ingay kaya siguro nasa loob na ito ng mall.

"Nathan bilisan mo na last full show na nila toh ngayong gabi at wala na akong time manood nito."

"Did you buy me popcorn?"

"Anak ng---Nathan naman! Wag ka namang sulpot ng sulpot!"

Bigla na lang kasi itong lumitaw sa tabi niya. Pinagmasdan niya ang nakangiti na binata at nabadtrip sa kanyang sarili dahil kahit ano man gawin niya hindi niya magawang mabad trip ng matagal rito. Ganyan ka higpit ang feelings niya sa binata.She even tried to think all his bad habits and qualities but still she just can't seem just can't forget her feelings.

"Ano ningiti-ngiti mo riyan?" Pagtataray niya rito.

"Ang noo mo kung nakakunot parang kili-kili ng Lola ko." Pinitik niya ang tungki ng ilong nito.

"Ewan ko nga sayo riyan. Oh eto yung popcorn mo." Inirapan niya ito sabay abot sa binata ang popcorn nito at nauna ng pumasok sa sinehan.

Agad naman na humabol ito sa kanya.

"Eto naman joke lang naman eh at sorry kung natagalan ako medyo traffic.Wag ka ng magtampo."

"Oo na.Bilis na."

"Ano ba ang panonoorin natin hmm?"tanong nito habang abala sa pagkain ng popcorn nito.

"Ano ka ba Nathan hindi pa nga tayo nakaupo kumakain ka na ,mamaya na yan." Saway niya rito pero siyempre dahil matigas ang ulo ng binata hindi nito sinunod ang sinabi niya.

"Ano nga ulit ang panonoorin natin?"bulong nito sa kanya dahil nasa loob na sila ng sinehan. Nang makahanap sila ng upuan sinagot na niya ito.

"50 shades of Grey."

"Son of a-----"

"Oy teka saan ka pupunta?" pinigilan niya ito sa braso ng bigla na lang ito tumayo.

"Saffy ayokong manood ng 50 shades of grey." Mariing sabi nito.

"Puwes nandito ka tayo ." Inangat niya ang kanyang mga binti ang pinatong sa kandungan nito .

"At isa pa sayang ang ticket mo. Relax ka lang diyan." Patuloy niya at inumpisahan ang pagkain ng kanyang popcorn.

Mataggal na niyang hinihintay na lumabas ang movie na toh. Nabasa na niya ang trilogy at na in love siya Christian Grey kaya hindi mapantayan ang kanyang tuwa ng malaman niya na gagawin itong movie.Yes,the book is erotic but there's a romance at nagustuhan niya iyon. Hindi naman siguro nito ipapakita ang mga love scenes at mga private parts ni Christian Grey at Anastasia Steele parang sobra naman yata iyon at isa pa nabasa niya sa twitter na it's a romantic movie.

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon