Chapter 9

45 14 6
                                    


"So how's your mini vacation?" tanong ni Clarke ng makapunta ito kanyang office.

Monday na naman at hanggang ngayon hindi pa rin siya maka get over sa sinabi sa kanya ni Nathan.

"Bitin." sagot niya rito at binigay ang flash drive rito.
"Hmm." sabi lang nito at napaupo sa guest chair.
"Anong hmm?"

"Well i-de-decline ko sana ang invitation sa akin pero sabi mo nabitin ka sa bakasyon mo diba?"
She rolled her eyes.

"Just say it,Clarke."

"Okay.Jeez--meron ka ba ngayon?"

"Clarke.Gusto mo bang isaksak ko tong ballpen sayo?"

Clarke rolled his eyes.

"May nag invite sakin maging guest speaker sa iloilo for 3 days."

"Yeah so?"
"Yeah so, ikaw ang ipapalit ko na guest speaker."
Kunot noong tiningnan niya ito.

"Eh paano kung ayaw ko?"
"Wala kang bakasyon. 3 days lang ang seminar at bibigyan kita ng dalawang araw na free day kung papayag ka."
Tinaasan niya ito ng kilay.Baka kasi pinagti-tripan lang siya nito.

"I'm not kidding and besides parang mas magugustuhan ng mga studyante na ikaw ang magiging speaker."

"What?"
"You know dahil naging trending ka sa social media."
"Ewan ko sayo." Inis na sabi niya rito
Ngumisi ito at tumayo na.
"So payag ka na?"
"Yep."
"Okay. This Wednesday ka na aalis."
"Teka.. this Wednesday ? Ngayong week? What? Agad agad?"
"Yes this week. Wednesday .Thanks Saf." sabi nito at nagmamadaling lumabas na ng kaniyang opisina.
"Pambihira talaga ang lalaking yun." usal niya sabay ilig iling at muling pinagpatuloy ang kanyang trabaho.
Abala siya sa pagi-input ng data ng biglang may nag vibrate sa ang cellphone sa niya kanyang table.
Kinuha niya ang kanyang phone galing kay Leigh.

Leigh: Did you know what happened that night?
Kunot noong nag reply siya sa text nito.
Me: What do you mean?
Leigh: That night in the resort. Anong nangyari ng gabing iyon? Wala akong maalala.

Maliban sa ka miserablehan niya noong gabing iyon at least ang kaibigan niyang si Leigh nag enjoy in fact sa sobrang enjoy nito nalasing na naman ito.

Me: Hindi ko alam kasama mo si Yofi noong gabing yun.Text her.
Leigh: I did. Hindi rin niya daw alam. Kasama ko raw si Ed.
Me: Ask him
Leigh: I did nagkita kami kanina sa Cupid Ville. Wala rin siyang sinasabi sakin. Ang walang hiya!
Me: Wala ka ba talagang matandaan?
Leigh: Wala!
Me: Oh boy.
Leigh: Shut up! Do you have Ed's number?
Me: Wala eh but pwede kong i-forward yung number ni Nathan doon ka na lang humingi ng number ni Ed.
Leigh: What if kung ikaw na lang ang magtext kay Nathan? Ang simple simple ng problema kaloka!
Me: Nope. Ikaw na.
Leigh: I smell something fishy...
Me: Ikaw lang yan.
Leigh: Mukha mo! Anyways send the number already.
Hinanap niya ang number ni Nathan at pinasa kay Leigh.
Leigh: It's here. Thanks. Lunch tomorrow. May sasabihin ka pa sakin.
Me: Do I have a choice?
Leigh: Do or die.
Me: Die.
Leigh: See you tom.
Napangiti siya at napa iling iling sa reply ng kanyang kaibigan.
Hindi pa niya nababa ang kanyang cellphone bigla namang message na galing kay Nathan.
Nathan: Busy?
Me: Hindi naman masyado.
Nathan: Have a lunch with me.
Kagat labing napaisip siya. She wanted too but it's not a wise move. She's trying to forget her feelings and hindi magandang move kung sasama siya ng lunch kasama si Nathan.
So she decided to make an excuse.
Me: Baka kasama ko si Leigh mag lunch.
Huminga siya ng malalim habang tinititigan ang screen ng kanyang phone.
Nathan: Nice try. Leigh just texted me she's going to meet Ed. Any more excuses?

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon