Chapter 4

59 15 5
                                    

Maaga siyang ginising ng binata upang yayain na mag jogging. Well actually si Nathan lang ang nag jogging at siya naman naglakad lang. She hates jogging and waking up early pero walang humpay ang pagtawag nito sa cellphone niya.

"Nasaan ba sina Ed?"

"He's hung over kaya hindi siya makapag jogging ngayon."

Napaupo siya sa gutter.

"Bakit hindi ka ba makapag jogging mag-isa?" tanong niya rito at tiningala ito.

He's wearing his jogging pants and a sleeveless Adidas shirt kaya kitang kitang ang biceps nito. Hindi naman masyadong maskulado si Nathan katulad sa mga bouncer sa mga club pero tuwing nahahawakan niya ang braso nito ramdam na ramdam niya na may muscles ito and she's looking at it right now.

Damn.

"You know that I can pero hindi yan ang rason kung bakit kita ginising ng maaga."

Umupo rin ito sa tabi niya.

"Then what? Magkikita na naman tayo mamaya ah? Pinaparusahan mo ba ko? Alam mo naman na I hate waking up early lalo na pag hindi trabaho ko ang rason----"

"I can't hang out later."

Natiggilan siya at kunot noong tiningnan ang binata.

"What?"

Kagat labing tiningnan siya ng binata. "I'm sorry. I have a date with her again.."

Hindi siya makapaniwala. Mas pinili ng binata na makipagdate kaysa sa kanilang 2.5 years tradition? Almost Friday after ng recording nila para sa youtube channel ng mga ito naghahanap sila ng mga bago na restaurant or fastfood na pupuntahan kung tinatamad silang maghanap they just watch a movie and sometimes they just hang out talk about his music her work just anything..but now he's breaking it..because he has a freaking date?

"Hey,Saffy natahimik ka yata riyan."

"Eh anong gusto mong sabihin ko?"

"Uhm 'Yes,Nathan hindi ako magtatampo at hahayaan kitang bumawi sakin next Friday'?"

Napabuntong hininga siya. May choice pa ba siya? Hindi naman niya pag-aari ang binata at isa pa wala naman silang promise sa isa't isa na dapat every Friday dapat magkikita siya.

"Okay."

"What?"

"Sabi okay-----" hindi pa niya natapos ang sasabihn ng agad siya nito niyakap.

She can feel his warmth. He's sticky with hit sweat but he smells so good. Ngunit bago pa niya matugon ang yakap ng binata kumawala na ito.

"Akala ko magtatampo ka sakin."

"Psh! Bakit naman ako magtatampo sayo?"

"Yung mukha mo kasi kanina parang kakainin mo ko ng buhay..Man I really don't understand woman." He said and scratches his head adorably.

Mahinang pinitik niya ang ilong nito bago tumayo.

"Tara na."
****
"OH ANONG nangyari sayo nak?" tanong ng Mama niya.Nakasuot ito ng paborito nitong apron.

"Wala Ma nainis lang ako kay Nathan."

"Pumunta ba dito si Nate?" tawag ng Mama niya kay Nathan ay Nate dahil siguro sanay na ito ang tawag sa binata noong bata pa sila.

"Opo." Hinatid kasi siya ng binata

"Oh eh bakit hindi mo pinapasok dito? Sana pinakain mo na muna."

"Eh may date yun.Hindi siya worthy sa mga masarap mo na niluto."

"Anak naman.Natural lang na makipag date si Nate.Binata iyon at isa pa kung sabihin mo na sana sa kanya kung ano ang sinisigaw ng puso mo eh sana wala kang problema hindi na damayin mo pa ang luto ko." alam ng Mama niya ang nararamdaman niya kay Nathan pero hindi nito alam na naging boyfriend niya si Nathan noong highschool.

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon