Chapter 5

49 15 5
                                    

"Ma'am puwede po bang pa picture?"

Ningitan niya ang binatilyo at inaayos ang kanyang buhok at tumango rito.

"Oh sige basta may bayad ha?" biro niya rito.

Napakamot ito ng ulo.Isa ito sa mga estudyante na nag tour sa kanilang Kompanya usually si Andrea assistant ni Clarke ang nagto-tour sa mga studyante na nag ko-company visit sa kanilang kompanya ngunit may emergency ito kaya siya in-assign ni Clarke sa tour.

"Ma'am naman.Sige na po."

"Sige na nga." Lumapit sa kanya ang binatilyo at ngumiti silang dalawa sa camera.

Nagpasalamat ito at tuluyan ng sumama sa mga grupo nito na palabas na ng kanilang building.

Nakangiting napailing iling siya parang kailan lang isa siya sa mga nagto-tour ngayon siya na nag we-welcome ng mga nagto-tour. Time flies so fast.

Nakaplaster pa rin sa mukha niya ang ngiti ng nakapasok siya sa kanyang opisna and she'll have to do it do some work until it's lunch time.

"Yes." gusto niyang yakapin ang kanyag orasan ng makita na 12:00 na. It's lunch time at gustong gusto na niya talagang kumain.

Habang inaayos niya ang kanyang sarili biglang may kumatok sa kanyang pintuan.

"Oh?"

"Ma'am may naghahanap po sa inyo."

Gusto niyang kainin ng buo si Gini sa sinabi nito. Pero dahil mabait siyang boss hindi niya gagawin yun. Inhale. Exhale.

"Sino raw?"

"Si Andrew Capalla daw Ma'am."

Agad nawala ang kanyang gutom at pinalitan ng excitement.

Bakit kaya nandito si Andrew?

"Ma'am? Papasukin ko ba or..."

"Papasukin mo siya." agad na sagot ko kay Gini.

Ngumisi na tumingin si Gini sa kanya.

"Uy si Ma'am luma-lablayp."

"Sira. Bilis na papasukin mo na."

"Areglado Ma'am." sabi nito at lumabas ng kanyang opisina.

Napasandal siya sa kanyang upuan at hindi maiwasang mapaisip kung bakit nandito si Andrew at kung paano nito nalaman na dito siya nagtatrabaho.

Mga ilang minuto nakarinig siya ng mahinang katok.

"Pasok."

Bumukas ang pinto at muntik na siyang mawalan ng hininga ng makita si Andrew. Nakasuot ito ng polo shirt at naka roll up ito hanggang siko nito.

Anak ng--- shit! Gusto niyang malaway sa kanyang nakikita ngayon. He just got those aura that can make you salivate. Iba ang kaklase na pagka hot nito.

He's a bussines man kind of hot.

"Hey." nakangiting bati nito sa kanyang ng makapasok at makaupo sa upuan.

"Andrew. Ano ang ginagawa mo dito?"

Ngumisi ito at pinaglaruan ang pen holder na nakapatong sa kanyang mesa. Hindi niya maisawang di titigan ang daliri nito. He have clean and perfectly cut nails that God forgive her she find it really sexy.

"Well hindi mo nasagot ang tanong ko sayo kagabi."

"Tanong?"

"If you want to go out with me?"

What? Is he serious right now?

"Go out?"

"Yes,Safiya. I'm asking if you want to go out on a date with me."

Cupid Ville Series:Loving you all the wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon