PROLOGUE

40 4 0
                                    


~•~

ASHYLYN'S POV

GUSTO KO LANG NAMAN SIYANG I-PRANK!

napailing ako habang maluha-luhang nakatingin sa cellphone ko. katatapos ko lang basahin ang message ng girlfriend ko sa rp, break na daw kami kasi ang cold ko.

TSK!

"Oh ano? Pasado ba yang jowa mo?"

"Tss..nakipag-break nga e. Ang kaso eh gusto ko pa siya, saka nag-face reveal na kami sa isa't isa...ang ganda niya. Caring siya, len...suyuin ko ba? Aminin ko ba na prank lang?"

"Wag na! Gaga ka talaga, hindi ka kaya tagalan oh! Alam mo naman ang pagrerelasyon, mainit malamig. Kung di ka niyan kaya tagalan sa lamig nang isang linggo, pa'no pa kaya kung magtagal kayo tas lumamig nang unti-unti, tsk tsk basta wag mo nang babalikan yan."

"Hayy.." malungkot akong tumingin sa malayo.

Ako si Ashlyn Grace G. Dimagiba, nakatira sa Davao. Bisaya ako pero ike-kwento ko ang kwento ko in a tagalog way, sanay rin naman kasi ako dahil yun ang bilin ni mama para daw pag nag-aral na ako sa maynila next year ay madadalian na ako sa pakikipag-usap sa ibang tao.

Mahaba ang itim kong buhok, medyo light morena ang balat ko. Matangos ang ilong ko at medyo bilugan ang mga mata. Medyo makapal ang mga labi ko na light pink ang kulay dahil sa lip balm. Mahaba ang mga pilik mata ko at manipis ang kilay. 5'1 ang tangkad ko.

Si lenlen ay bestfriend ko. Sa pamilya ay may apat akong kapatid, tatlong kuya at isang bunso na baby pa.

Ako lang ang nag-aaral dahil nagta-trabaho na dito ang mga kuya ko. Una kong kuya ay si kuya Alross or ross, siya ang panganay at nagsilbing haligi ng tahanan namin mula nang mamatay si papa. Pangalawa ay si kuya awin, nasa abroad siya. Manager siya do'n. Panghuli ay si kuya tonton na isang technician. Bunso namin si baby jean.

21 years old na ako pero grade eleven palang. Limang taon ako huminto sa pag-aaral dahil pinagamot ako. Nagka-trauma kasi ako nung namatay si papa, sa sobrang pagdadalamhati ay nagkasakit ako. Yun din ang pinakadahilan ng pagluwas ni kuya tonton sa ibang bansa.

"Asa'n na ngapala si Gigi?" pagtukoy ni lenlen kay gigi na pinsan ko.

Andito kami sa bahay nila tita. Mas angat ang buhay nila saamin, pormal lang ang bahay namin na gawa sa bato, habang ang kanila ay may second floor pa at veranda. Marami ring kwarto.

Sabado ngayon at nagkasundo kaming apat nina lenlen, gigi at gordon na manood ng kdrama. Sakto naman at malamig. Si gordon ay nakatatandang kapatid ni gigi.

Napakagandang spot ang pinagtayuan ng bahay nila tita, pag tumambay ka sa veranda ay tanaw mo na ang dagat. Mahangin dito sobra at maraming mga puno.

"Kape muna kayoooo" masiglang sabi ni gigi habang may bitbit na tray na may mga tasa at kape sa ibabaw. si kuya gordon naman ay dala yung termos at mga tinapay.

"Salamaaatt.." ani lenlen.

Inilapag na nila ito sa lamesa.

Nagulat ako nang hampasin ako ni Gigi. "Hala Noona! Alam mo ba galing pa korea yang mga kape! Bigay nung friend ni mama, try mo dali!"

NOONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon