02: Bagabag

13 1 0
                                    


"HINDI PWEDE!" galit kong sigaw sakanya.

"Why?"

"Kasi ayaw ko!"

"Bakit ba galit ka? Aga-aga sumisigaw."

"Tssssk! Nasisiraan kana ba? Hindi nga pwede, tabi jan at kukunin ko bag ko!"

Agad niyang kinuha yung bag ko saka ito sinuot sa likod niya. Nakunot ang noo ko.

"Amina! Male-late na ako!"

"Isama mo na ako, ako na bahala magbitbit ng bag mo." nakangisi niyang sabi.

"Kaya ko mag-isa kaya amina! Aalis naman kayo mamaya diba? Sakanila kana sumama!"

"Eh gusto ko sa'yo sumama eh!"

Natigil ako. Gulat ko siyang tinignan, ngumisi lang siya sakin. Kokonyatan ko talaga to e!

"N-nang-aasar kaba?!"

"Ano'ng pang-aasar ro'n noona? Gusto kong makita ang school mo. I've never been into a public school, hindi naman ikaw ang pinaka-punto ng pagsama ko. Gusto ko ro'n maglibot. Baka mamaya pag naglibot ako ro'n nang di mo alam bigla mo akong bugbugin."

"Alam mo naman pala eh!"

"Kaya nga sasama ako, para alam mo."

"Tsk tsk, palusot ka pang gusto mo ko makasama." bulong ko.

"Sige na, sa isang kundisyon."

"What is it?"

"Umiiral nanaman ang kahambugan mo tsk tsk."

"I'm just asking??"

"Agh fine!"

Ngumiti siya saakin. Akma niya akong yayakapin sa tuwa nang harangan ko ang sarili ko.

"Sabi ko nga..."

==

"Wear this."

"Ano yan?"

"Helmet?"

"Ugh!"

NAKAKABWISET. HINDI PA KAMI NAKAKAALIS AY BARINONG-BARINO NA AKO SAKANYA.

"Sa'yo yan?" pagtukoy ko sa motor na nasa harap namin.

"Hindi, sa kapitbahay niyo." wika niya habang pinupunasan ang mga salamin nito.

"Wala naman kaming kapitbahay na may motor ah?"

"Tsssk! Lutang ka noona, malamang akin to. Gagamitin ko ba kung hindi? Tingin mo ba makakahiram ako sa iba kahit meron?" natatawang sabi niya.

"Tss, malay ko ba kung kay tito."

"Hindi siya nagmo-motor."

"Ahh."

"Sumakay kana, ikaw nalang ang mag-helmet. Ituro mo nalang sakin ang daan."

"Geh."

==

At The School Gate...

I

hate to admit but that ride was fun...PERO AGAD NA NABAWI ANG FUN NANG MAKARATING KAMI SA SCHOOL.

"Seungg!!!"

"Omg si seung guys!!"

"Hi guys! Welcome to my live, tignan niyo andito si seung sa school namin!"

"Seung pa-pic!!"

Nakangiti lang siyang kumakaway-kaway sa mga babae habang bitbit yung bag ko. Wala akong magawa kundi bumusangot. Nakakabwisit!

NOONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon