08: The Insecures

10 0 0
                                    

AT THE LEE RESIDENCE...

"Sumosobra na sila! Tumataas na ang tingin sa sarili ng Joshua na iyon! Tignan niyo ang lagay ng kapatid ninyo!"

Napayuko ang magkakapatid na sina Roy, Rash, at Rio. Dismayado silang tumingin sa kapatid na si Randall na hanggang ngayon ay putok parin ang mukha't walang lakas.

Ang panganay ay si Roy Lee, isa sa mga pinakamagagaling na mapagpanggap sa buong mundo. Siya ay isang pulis ngunit isa sa mga pinakamatinik na spy ng LSG o Lee Secret Government.

Ikalawa ay si Randall Lee. Isang artist at kilalang player, ngunit mahilig sa mga babae. Well, lahat naman sila maliban sa bunso.

Ikatlo ay si Rio Lee, ang former CEO ng Lee Corporations na malapit nang bumagsak.

Panghuli ay si Rash Lee. Ang pinakainosente kung titignan. Focus siya sa pag-aaral at walang paki sa mundo. Kahit magkagulo pa ang buo nilang pamilya, kahit magpatay4n pa ang mga kuya niya ay wala siyang pakialam.

"Ang akala ko pa naman, makukuha ko na uli ang kiliti niya! Ang yabang yabang niya! Eh lahat naman ng meron siya ngayon ay hindi siya ang bumuo't naghirap! Yang Seung na yan! Napaka pakialamera! Hindi marunong tumulong sa kadugo! Ang uunahin niya pa ay yung tatay niya!"

"So...what are we going to do? Nanggigigil na talaga ako sa pamilya nila. Masaya akong nakadalo tayo ro'n dahil dahil don ay nakilala na natin ang bago niyang pamilya. So, what are we going to do? Matagal na akong nangangating pasabug1n ang mga ulo nila't kunin ang lahat na dapat ay para saatin." pigil galit na sabi ni Roy.

"Pero kuya, delikado parin. Lalo na't halatang matitinik rin sila. Kita mo yung babae na niloko ni Randall hahaha! Kapag binangga natin ulit yon, tiyak na dudurugin tayo ng Seung na iyon." ani Rio. "Saka, mahirap na kapag nalaman ng media, come on..sa harap nila'y pinsan parin natin si Seung. Pangit sa image ng company yon.."

"Company na pabagsak na!" sigaw ng panganay.

"M-ma'am, handa napo yung dinner.."

Galit na naglakad papuntang mesa ang kanilang ina na si Rose Lee. Sumunod ang magkakapatid maliban kay Randall.

"WHAT IS THIS?!" galit na sigaw ni Rose. Itlog at kanin ang inihanda ng mga maid.

"W-wala napong ibang pagkain na available sa k-kusina..." nakayukong sabi ng maid.

"ARGHHHH!" gigil na sabi ni Rose. Hingal siyang tumingin sa panganay na anak.

"From now on! Do what you want! If you want to bomb their heads off then do it! Make sure that everything will be back in us again!"

Napangisi si Roy sa sinabi ng ina. "Sure, mom."


==

ASHLYN'S POV


"Wala nga si ate rito! Bakit ba ang kulit mo?!"

Busy ako sa paglalaro sa kwarto ni clover nang bigla ko siyang marinig na sumigaw. Agad naman akong lumabas ngunit napatigil ako nang makita si Seung at apat na lalaki. Ang dalawa ay kilala kona...pero yung other two, familiar yung isa kasi parang galing sa anime, yung isa pa...idk.

Teka...itong galing sa anime na'to... siya yung doktor ko ah?!

"Noona ano'ng nangyari sayo?!" sigaw niya nang malapitan ako. hinawakan niya ako sa kabila kong braso. agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"W-wala lang 'to.."

"Wala?! Ano'ng wala?! Eh mukhang kaya ka hindi umuwi dahil gusto mong itago sa'kin yan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NOONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon