SASALI PA SANA yung tatlo nang biglang dumating si Nova kasama si Clover. Agad humarang si Nova at agad namang tumiklop yung tatlo.TULOG SA SAHIG YUNG LALAKI!
Agad ko namang inawat si Seung. "T-tama na! Tulog na yan oh! Babangasan mo pa lalo?!"
Galit siyang tumingin saakin? "That's what he deserves noona!"
"Ano'ng meron dito?--" napatigil si tito.
"Oh my god! What happened to my son?! Call an ambulance now!" ani nung babaeng tila sopistikada. mukhang mayaman ngunit may edad na.
"Your son is an as$h0le! Ilang beses ko na kayo binalaan na ayusin niyo yang pagdidisiplina sa anak niyo di ba? Binastos niya ang ate ko!"
"Seung!" pinaharap ko siya saakin, agad siyang umiwas ng tingin.
Napailing si tito. "Itawag niyo na siya ng ambulansya...madonna, samahan mo muna siya.." tumango-tango yung babae saka umalis.
Maya-maya pa ay nawala narin ang paningin saamin ng mga tao.
"Kayong apat talaga! Alam niyo bang anak ko ang binastos ninyo? Ha?! Mahiya kayo para sa mama niyo! Pagsabihan ninyo yang si randall kundi sinasabi ko sainyo, ako na mismo ang didisiplina sainyo! Yung disiplinang hinding-hindi ninyo makakalimutan at siguradong makakapagpatino sainyo!"
Tumango yung tatlong lalaki saka humingi ng tawad.
"Tss, dapat lang. Kung ako sainyo ay alisin niyo na yang kabastus4n ninyo, you're all too old to not learn about how to control your heat cycles!" pinagalitan sila ni Nova.
"This is tito joshua's wedding, please respect him!"
Umalis na yung apat na lalaki. Lumapit saakin si tito.
"Pasensya ka na ha? Yung mga lalaking iyon ay pamangkin ng dati kong boss na siyang kasosyo ko na ngayon.."
"A-ayos lang po..niligtas naman ako ni--" nang titingin na ako kay Seung ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.
"Hayaan mo na, magpapalamig lang yun ng ulo..."
"Yung huling beses ho na nagpalamig siya ng ulo ay iminaneho niya yung motor niya na para bang siya yung may ari ng daan.."
"Haha, huwag kang mag-alala, disiplinadong rider yang si Seung...minsan ngalang talaga ay hindi niya makontrol yung emosyon niya. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan niya parin yun.."
"Ashlyn, uuwi na kami ah? May pasok pa bukas nang umaga si Clover eh..saka may pasok rin ako sa office. Hindi ako pwedeng mawala ro'n."
Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang 7pm na. Kailangan na nga nilang umuwi.
"Ay teka, saan ka ngapala nag-aaral, clover?" tanong ni tito.
"Hmm, sa MIU po."
"Ano'ng oras tapos ng pasok mo?"
"Hmm, test lang namin bukas dahil mage-end na yung sem...maaga po! Mga 3pm.."
"Ay sakto! Nak, gusto mo bang sumama kay clover? Maganda sa MIU...try mo tignan para kapag nagustuhan mo, sabihin mo lang saakin at ie-enroll kita agad.."