"Yes!"
Nagpalakpakan ang lahat matapos isigaw ni mama ang kanyang sagot. Nakangiwi kong tinanaw lahat ng mga kapitbahay na nakikikain, wala naman sila dito kanina ah?!
Nagyakap sila nung lalaki at kita ko sa mukha ni mama ang comfort na nararamdaman niya sa bisig nung lalaki. Hindi ko alam pero natutuwa ang puso ko.
At the same time nagugulo!
Lumingon saakin si mama kaya agad akong ngumiti at mabilisang inalis ang pagka-gulat.
"Anakk! Ikakasal na ako ulit!!"
Sa tinig ni mama ay halata ang galak at tuwa.
"C-congratulations po ma.." nakangiti kong sabi.
Mahigpit ang pagkakayakap ko kay mama nang lumalim nanaman ang iniisip ko.
Kung papakasalan ni mama yung tatay ni Seung...ibig-sabihin ba no'n...
*Clap clap clap
Narinig ko ang palakpak niya.
"MAGIGING KAPATID KO 'TONG BABAENG TO?!" malakas akong napasigaw, kasabay ang lumaki kong mga mata. napatigil ang ingay mula sa lahat.
"A-ah..oonaman anak, hehe. Magiging half sisters kayo kapag ikinasal na kami ng tito mo. P-pero nak, tandaan mo sa magkakapatid walang hati okay? Siguro hindi buo sa dugo, pero tandaan mo na pag magkapatid, buo. H-hehe.."
"M-ma.."
"Hindi mo ba siya tanggap nak? Maganda naman siya ah--"
"--h-hindi naman po sa gano'n ma--"
"--so maganda nga ako?" inis akong napatingin kay seung.
"Hoy 'wag kang assuming ha!"
"But that's what you said a year ag--"
"--nyenyenye manahimik kana tsk!"
"P-parang di maganda ang unang pagkikita niyo mga anak ah...ahm."
Nahihiyang tumingin si Seung kay mama.
"Ang sarap po pakinggan na tinawag niyo po akong anak.." katamtamang ngumiti si Seung.
Hindi ko alam...pero parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Noon kasi ay pakiramdam ko na di sila okay ng tunay niyang mama dahil ayaw niya itong pag-usapan. Hindi ko na siya kinulit sa bagay na iyon.
Napangiti si mama sa sinabi niya. Kumalas si mama saakin saka kinuha ang mga kamay ni Seung.
"Mula ngayon, araw-araw nang may tatawag sa'yong anak okay?" nakangiting sambit ni mama.
Nginitian siya pabalik ni Seung. "Salamat po, mama"
OH.. MY.. GOD..
PAMILYA NA NGA TALAGA KAMI.
==
Lunch Time
Matapos magdasal ay kanya-kanya nang nagsi-kuha ang lahat ng mga pagkain.
"Sige lang! Kain lang kayo diyan mga kapitbahay, marami pa rito!"
Nakakunot ang noo ko. Tsk!
Pinaghirapan kong hulihin iyang mga yan tapos ipapamigay lang pala sa iba?! Nakakainis! Hindi naman sa nagdadamot ako pero para lang talaga kasi kila tito yan e! Pati narin kay Seung tsk, bwisita.