04: Mouth-To-Mouth

14 2 0
                                    

SEUNG'S POV

I DON'T GIVE A FXCK TO BULLSH1TS.

Habang nagte-test ay biglang may tumawag kay Ashlyn. Na-curious ako kaya sinubukan ko siyang sundan ngunit naligaw lang ako pabalik at napadpad sa cr ng mga lalaki.

Nakita ko si Jon kasama ang iba pang mga lalaki.

"Tapos kana rin? Ang bilis mo ah?" tanong nung lalaking kasama niya.

"Oo, naiihi din talaga ako e." sagot niya.

Bakit ba ako nakikinig sa usapang 'to? Tss. Magpapatuloy nalang sana ako sa paghahanap sa daan pabalik nang--

"Excited na ako sa dula-dulaan namin mamaya pre, mamaya pag nagpractice kami sasamantalahin ko nang halikan si Ashlyn hehe! Tapos sasabihin ko may tumulak lang saakin."

"Gag0 ka talaga pre hahaha.."

Nakunot ang noo ko ro'n. Nandidiri ako. Hindi ko inaasahang gano'n pala ang ugali nitong bff ng kapatid kong ito. Tss, hindi marunong pumili ng kaibigan.

Pinatunog ko ang mga buto ko saka nagtago. Lumabas na sila ng cr at palihim ko silang sinundan. Nang makapasok ay napansin kong wala parin si Noona. Nagpatuloy nalang ako sa pagte-test na sisiw lang naman saakin.

Calculous? Pfft!

Alam kong hambog ako...pero hindi kagaya ng sa paghuhugas ng plato ay may maibubuga ako sa academics.

What's the use of a pretty face without brains? Tss.

Dumating ang Lunch Break. Gusto ko sanang magpasama kay Noona ngunit may gagawin daw sila ng mga kagrupo niya. Naningkit ang mga mata ko nang maalala ko yung pinag-usapan nina jon at nung mga kaibigan niya.

Mag-isa kong hinanap yung canteen. Natagalan ako nang sobra dahil sa mga fans.

Tss! Ito na ba yung sinasabi ni Clover na dark side of fame?! I need to go back to noona quickly!

Matapos ang lahat ay nakaabot narin ako sa classroom nila sawakas ngunit huli na ako.

HINAHALIKAN NA NI JON SI NOONA.

Hindi na ako nakapagpigil, binigyan ko na siya ng double punch.

Doble, dahil m4nyak at two-faced b1tch siya.

==

Grabe, saakin pa talaga nagalit? Sana naman ay inaalam niya muna yung side ko bago siya nagalit at nagsalita.

Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang sama ng tingin niya saakin. As if ako na ang pinakamasamang babae sa mundo.

I also just want a complete and happy family, pakiramdam ko ay nasisira yun dahil sakanya. Ako nanga yung nasaktan noon tapos siya pa ang may ganang magalit?

NOONATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon