"K-KAMUSTA KANA JON?" malungkot kong tanong kay jon.
"A-ano s-s-sa t-tingin mo?" umiwas siya ng tingin. napayuko naman ako lalo.
Putok ang labi niya, dahilan para mahirapan siyang makapagsalita. Black-eye din ang kaliwa niyang mata.
"I-i'm sorry talaga, h-hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip nung babaeng yun e.."
Sumama lalo ang mukha niya. "Tss, b-bakit mo p-pa k-k-kasi sinama rito yan?"
"Eh gusto raw maglibot e.."
"T-tas biglang m-m-mananapak?"
"Aish!"
"W-wag k-kang mag-alala, d-di ako galit s-sayo.."
"Pasensya na talaga ah...wag ka mag-alala, mamaya sasapakin ko rin siya! Yung tipong mas malala pa jan aabutin niya!"
Natawa siya sa sinabi ko ngunit agad niya ring pinigilan ang sarili dahil nainat yung sugat niya sa labi. Napangiwi naman ako sa awa.
*Knock knock...
"Pres.." tawag ko kay akira na president namin ba pumasok.
Kita ko sa mukha niya ang takot at kaba.
"P-pinapatawag kayo sa guidance office, andun na yung kapatid mo pati mga magulang niyo.."
Kinabahan ako lalo. Simula na ng parusa.
Sinamahan niya ako papuntang guidance, pagkapasok ko ro'n ay nakita ko sila mama at tito. Andun din si seung na nakatingin lang sa labas, parang walang pakialam sa nangyayari.
"Asan po si baby ma?"
"Nakila tita anita mo, dun daw muna si baby hanggang bukas.."
"Ah okay po."
Sa kabilang tabi ay naroon ang mga magulang ni Jon. Sina tita joan at rito ronnie.
"Since andito na si miss dimagiba, we will start." panimula ng counselor.
"Hindi ko na ito patatagalin, Miss Dimagiba," tumingin siya saakin.
Tumingin ako pabalik nang may takot sa mukha ko. "P-po?"
"You are expelled."
Nagulat si mama at tito. Hindi ko namang napigilan ang pag-iyak. Inalo ako nang inalo ni mama. Galit akong tumingin kay Seung.
"As punishment, banned ang pamilya ninyong tumapak sa loob ng school. Dapat niyo ring bayaran lahat ng expenses ni Mr. Langit hanggang sa gumaling na siya."
"Pfft, Jon Langit." siniko ni tito si Seung. lalo akong nagalit sa bulong niyang iyon.
Luha luha pa ang paligid ng mga mata ni tita joan. Umupo ako sa tabi niya.
"Ako napo ang humihingi ng pasensya, sa tingin ko po kase ay malabong maghingi ng tawad yang kapatid ko na yan.."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit naman kasi ganyan Ashlyn? Wala namang ginagawang masama sakanya ang anak ko, lalo na sa'yo...mahal ka nga nun eh. Narinig ko, balak niya raw umamin sa'yo.."
"Ho?!"
"Ay-- ah basta, hindi ko mapapatawad yang kapatid mo. Kilala ko naman ang mama mo, magaling siyang dumisiplina, siya nalang bahala sa bago mong kapatid na iyan."
Hindi ko alam pero... hindi ko nagustuhan yung sinabi niyang 'bagong kapatid'
"K-kami napo ang bahala sakanya, pakialagaan nalang po nang mabuti si pards, naiiyak rin po ako sa sitwasyon niya e.."