11:30 AM
Masakit na ang mga paa ko. Sana alas dose nalang ako pumunta dito dahil sa tagal ko nang naghihintay, siguro nakaisang libong tao na ang napadaan ko: sophisticated girls, nakajeans man, shorts, o dress pa; mga lalake, at kung sinu-sino pa. At grabe na tong init ng panahon, November na kaya dapat unti-unti nang lumalamig.
Makaupo nga muna dito sa bench at ipagpatuloy na ulit ang paghihintay, ilabas ang earphones at magsoundtrip para basagin ang katahimikan.
Maya-maya pa'y may isang lalakeng mga 5'8" ang height, nakasalamin at parang Justin Bieber ang buhok, nakacheckered polo siya na combination ng black and red at nakablack jeans. Umupo siya sa tabi ko, mukhang mayroon rin yatang hinihintay.
Hindi pa man kami nagtatagal sa pagkakaupo, mayroon na namang naglalakad na isang maputing babae, nakasuot ng plain red spaghetti strapped top at white mini skirt. Hmm . . . medyo maganda ang kutis niya ha.
Huminto siya sa tapat ng katabi ko, kumandong, at bigla niya itong hinalikan . . . ng matagal. Nakakairita hindi ba?
"Babe, I'm sorry. Late na naman ako." sabi nung babae.
"Okay lang, basta ikaw." sagot naman nung lalake.
Ngumiti yung babae, nagpapacute, "Ikaw talaga!" at niyakap niya siya. Tumayo yung babae sa pagkakakandong niya, sumunod yung lalake, nagholding hands, at sabay na naglakad palayo.
Ayan, umalis na sila kaya solo ko na ulit. Pero mayroon lang akong iniisip.
Sana, pagdating niya, maging sweet din siya katulad nung babae dun sa boyfriend niya.
Palagi akong umaasa, pero palagi din naman akong nabibigo. Kung mapagbibigyan man, minsan lang.
Buti nalang hindi nag-away yung lovers kanina. Nakakatuwa naman. Sa panahon kasi ngayon pare-parehas na kwento nalang ang naririnig ko, mga linya tulad ng:
"Palagi nalang niya ko sinasaktan!"
o kaya naman,
"Kailan ba siya magbabago?!"
at kung anu-ano pang hinanakit ng mga babae sa mga boyfriend nila. Sa panahon ngayon, usong uso ang role ng mga battered girlfriends.
Mayroon ulit tumabi sa akin, babaeng sleeveless ang suot. Kitang kita sa mga braso niya ang nangingitim niyang mga pasa. Ayokong manghula kung saan niya nakuha ang mga iyon pero siya na rin ang nagsabi kung saan, eh paano kasi nakita niya akong nakatitig sa braso niya.
"Galing yan sa boyfriend ko, ang swerte ko sa kanya no?" at nag-umpisa nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Dapat hindi ganyan ang sinuot mo para di nakikita yang mga pasa mo." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Opposite Phenomenon
Romancelikas sa babae ang maging mapagpasensya sa lalakeng kanilang minamahal. ngunit kabaliktaran naman ito sa relasyong mayroon sina Mikhail at Casadee. ito ang pinaghalo halong kwento ng pagtitiis, pagpapasensya, katatawanan, pagkakamali at tunay na pag...