Pagkatapos kumain, nagpahinga muna kami ng kaunti at naglaro ng wii para malibang. Nang mapagod, lumabas kami para mag-grocery ng kung anu-anong bagay at pagkain na kailangan ni Casadee sa condo niya.
Bumalik kami agad pagkatapos mag-grocery, nag-usap sa couch hanggang sa makatulog, with her on top of me.
Sa himbing ng pagkakatulog ko hindi ko na namalayan na gising na pala siya.
Nang magising ako, wala na siya. Umupo ako sa couch at tumingin-tingin sa paligid pero di ko siya makita. Pati cellphone ko hindi ko alam kung nasan.
Tumayo ako para hanapin siya.
"Casadee?" pero walang sumasagot.
Pagsilip ko sa balcony, nandun siya at di ko malaman kung may kausap ba siya o may tinatawagan dahil nakadikit sa kaliwang tenga niya ang cellphone pero di siya nagsasalita.
Nang malapitan ko siya, ramdam ko na iba ang aura niya. Nakakatakot dahil iba ang expression ng mukha niya.
Cellphone ko pala yung gamit niya. Napalingon siya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya.
Shit! Hindi kaya si Ara ang kausap niya?
Ibinato niya ang cellphone sa akin na siya namang nasalo ko at itinulak niya ako ng malakas at pumasok sa loob.
Hinabol ko siya, "Casadee, wait . ." nang mahawakan ko siya sa braso lumingon siya sa akin at sinuntok ako gamit ng kaliwang kamao niya.
"Nakipagkita ka pala sa kanya." pare-parehong mababa ang tono ng bawat salita niya.
"Baby, I . . I can explain . ."
"Explain?! Kung di pa tumawag si Ara sa'yo wala kang balak sabihin sa'kin ha!?"
"Cas, hindi naman sa ganun. Sasabihin ko naman sa'yo eh kaso - "
"Kaso ano!?"
"Alam ko kasing ganyan ang magiging reaction mo that's why I've decided not to tell you yet."
"Mas gugustuhin mo pang ilihim sa'kin 'to kaysa ang sabihin sa akin ang totoo? Anong klase ka?!"
Hindi ako sumagot.
"Nagawa mo pang pagsinungalingan ako kaninang umaga, Mikhail. Ang sabi mo sa studio ka galing PERO ANG TOTOO! DUN KA SA BABAE MO NAGPUNTA! NAKIPAGKITA KA SA KANYA SAMANTALANG AKO ALALANG-ALALA KUNG NASAN KA DAHIL PAGDILAT NG MGA MATA KO WALA KA NA!"
"Baby, I'm sorry."
"DIYAN KA MAGALING EH! SA PAGHINGI NG TAWAD!"
BINABASA MO ANG
The Opposite Phenomenon
Romancelikas sa babae ang maging mapagpasensya sa lalakeng kanilang minamahal. ngunit kabaliktaran naman ito sa relasyong mayroon sina Mikhail at Casadee. ito ang pinaghalo halong kwento ng pagtitiis, pagpapasensya, katatawanan, pagkakamali at tunay na pag...