Chapter 4 *Blue Moon

38 1 0
                                    

10:07 AM, Snap Animation Studio

Hay naku naman! Di talaga ako makapagconcentrate sa ginuguhit ko. Hanggang ngayon kasi yun pa rin ang nasa isip ko. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?!

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nasa work kaya siya, o di pumasok? Kung hindi, ano kayang ginagawa niya ngayon sa pad niya?

Tulog pa kaya?

Kung tulog pa siya, ano kayang position niya? Yung tulad ba sa kahapon? Na nakapantulog siya at walang . .

At nagsimula na ang imagination ko.

Napatayo ako bigla. "Mikhail! What's wrong with you?!"

Napatingin silang lahat sakin, "Sir?" sabi nilang lahat.

Lumingon ako sa kanila at ngumiti, tsaka umupo ulit.

Nagsimula na naman akong kausapin ang sarili ko.

Gising na kaya siya? Kung gising na siya, ano kayang ginagawa niya ngayon?

Naliligo?

At muli, nag-umpisa na namang maglaro ang imahinasyon ko.

Dali-dali akong naglakad papuntang comfort room.

As I reached the comfort room, I placed my palm into the edge of the sink and looked at the mirror.

"Why are you fantisizing Casadee?" talking to my damn self.

"It's because she's your girlfriend Mik, as simple as that." nasa tapat pala ng pinto si Rei hindi ko man lang napansin.

"Yan ba ang gumugulo sa isip mo?" dugtong pa niya.

"Bakit ka sumunod?"

"Mukha ka kasing ewan kanina, dude. Kaya sinundan kita, dito ka lang pala pupunta, at yan lang pala ang pinuproblema mo. Grabe pare, you're unbelievable!" at natawa siya.

"At ano namang unbelievable dun?" tanong ko, medyo nakakainsulto ha.

"Bakit mo tinatanong ang sarili mo kung bakit mo pinagpapantasyahan ang sarili mong girlfriend?" tanong niya sa akin.

"Dahil hindi ko ginagawa to sa kanya."

"Liar."

"Fine! ginagawa ko paminsan minsan pero hindi ganito kalupit sa nangyayari ngayon."

The Opposite PhenomenonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon