Nang tanungin ko si Casadee kung pwede ba akong manligaw sa kanya, nagulat siya pero napangiti rin at pagkatapos ay ito ang naging sagot niya sa akin:
"Hindi pwede."
"B-baki?"
"Basta hindi pwede. Nabibigla ka lang kaya gusto mong manligaw." seriously, ako pa ba ang mabibigla?
"Cas, hindi ako nabibigla. Seryoso ako."
"Don't call me 'Cas' okay? We're not even close!"
"Sorry."
"Iuwi mo na 'ko, please."
* * *
Pagbaba niya ng cab, nagmadali na siyang maglakad palayo sa akin. Hinabol ko siya pagkatapos kong magbayad sa driver.
"Casadee, wait!"
"Leave me alone!"
Hinarangan ko siya para pigilan. Ayoko ng ganito. I need an explanation!
"Bakit ba hindi pwede? Sabihin mo naman sa akin!"
"Wala akong balak mag-asawa. Ngayon alam mo na kaya pabayaan mo na ako."
"Wala akong pakialam. Just allow me to court you."
"Mapapagod ka lang! Kaya ngayon pa lang sinasabihan na kita!"
"I like you. Liligawan pa rin kita kahit ayaw mo, tandaan mo yan."
"Ah, so matigas ang ulo mo, ganun? Fine, be my guest. Mangisay ka sa panliligaw basta wala akong sasagutin." at tuluyan na niya akong iniwanan.
* * *
Martini's Club
"May mga naging boyfriends na ba si Casadee?"
"Sa pagkakaalam ko wala pa eh. Never ko din siya nakitang kinikilig or marinig man lang na may crush siya." sagot ni James.
"Is she a man hater?"
"Hindi pa ba obvious? Everytime na nagkukwento ako ng lovelife ko sa kanilang dalawa ni Sarah eh palagi na lang nega ang mga opinions niya, noh!"
"Like what?"
"Like, uh, palagi niyang sinasabi na hiwalayan ko na yung boylet ko kasi lolokohin lang niya ako at sasaktan! As if gagawin naman yun ng prince Henry ko sa'kin noh!" nakakairita na kaartehan sa pananalita ng bading na 'to.
BINABASA MO ANG
The Opposite Phenomenon
Dragostelikas sa babae ang maging mapagpasensya sa lalakeng kanilang minamahal. ngunit kabaliktaran naman ito sa relasyong mayroon sina Mikhail at Casadee. ito ang pinaghalo halong kwento ng pagtitiis, pagpapasensya, katatawanan, pagkakamali at tunay na pag...