Chapter 10 *One Fine Day

24 1 0
                                    

Maaga akong nagising. Pagdilat pa lang ng mga mata ko ay pumasok kaagad sa isipan ko ang nangyaring iyon.

Kinumutan ko si Casadee na sobrang himbing pa rin ng tulog. Hindi ako galit sa kanya . . . nagtatampo lang. Kahit sino naman hindi ba? Pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya ng sobra. Ganito nga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao.

"Good morning!" sabi ni Alpha na nasa likuran ko na pala.

"Morning. Nandyan ka pala, di ko napansin."

"Hindi talaga kasi kay Casadee ka lang nakabantay nu."

I smiled, "Pero nasaan ang manners mo Alpha? Bigla ka na lang papasok dito ng walang paalam."

"Haha! I'm just checking out if something happened last night."

"Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting yan ha tigilan mo na yan."

"What's the matter?" natatawang tanong ni Alpha.

"Nothing happened. At tsaka, 'checking out' talaga? Sira ka!" sabay tawa.

Patuloy pa rin ang pangungulit ni Alpha sa akin.

"Ang ingay niyo!" bigla kaming natameme.

"Whoah! Nagising natin ang prinsesa. Ipagpatawad po ninyo ang aming panggagambala sa inyong pamamahinga mahal na prinsesa." sabi ni Alpha.

"TSE!" sagot naman ni Casadee at natulog na ulit.

Napangisi na lang si Alpha, "Sa labas na nga lang tayo mag-usap, tara."

Paglabas namin ni Alpha ng tent, nakita naming gising na rin pala si James at Ivan. Lumapit si Ivan sa amin at hinalikan si Alpha sa pisngi.

"Morning."

"Morning din. Akala ko humihilik pa yang puwet mo eh." sagot ni Alpha.

Natawa si Ivan at napatingin sa akin, "Oh Mikhail! Kamusta kagabi? Did you have a good time huh?" pang-aasar ni Ivan.

"Ano ba kayo? Walang nangyari kagabi, natulog lang kami ang that's what happened!"

"Defensive? Haha!"

"Baliw!" at patuloy pa rin siya sa pagtawa.

Maya-maya pa'y may narinig na kaming malakas na sigaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Opposite PhenomenonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon