Chapter 9 *It's So Hot In Here!!

31 1 0
                                    

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

Tumawa ng malakas si Ivan, "See? Hindi niya matitiis si Mikhail di ba Cas?" at tumawa ulit.

She didn't respond. Nagmadali akong lumabas ng tent para pigilan siya.

"Honey, you don't have to do this. Ivan's just damn drunk."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "I'll be okay."

"Don't take this matter seriously, Cas."

"I can handle this." then she started walking towards them.

"Cas, are you sure with your decision? First time mo 'to." tanong ni Alpha.

"Hell yeah." then she smirked.

Alam kong napipilitan lang si Casadee at alam ko ring kabado siya ngayon dahil ni minsan di pa siya nakakatikim ng kahit na anong alak.

Umupo ako sa tabi niya, "But you're a lightweight."

"Tama si Mikhail." dagdag ni Alpha.

"Pero hindi na bata si Casadee! Kung palagi niyo na lang siya bine-baby, maraming bagay sa mundo ang hindi niya mararanasan." sabi ni James.

"Alam ko James. Pero gagawin ko 'to hindi para masubukan uminom o makatikim ng alak. Gagawin ko 'to para kay Mikhail."

"Yee! Kilig naman kami!" sabi ni Sarah.

"True-la-loo!" sabi naman ni James.

Para sa akin? Bihira lang gumawa ng bagay-bagay si Casadee para sa akin. Tama ba ang naririnig ko? Oo tama! at ang saya-saya ng puso ko. Sobrang sarap sa pakiramdam.

I hugged her from behind, "Whatever happens, I've got your back."

Hinawakan niya ang mga kamay ko, "I know, right? haha! Thanks, fish."

"Oh tama na ang sweet sweet-an niyo diyan at binyagan na natin si Casadee!" sabi ni Ivan.

Kinuha ni Ivan ang baso ko at pinuno ito ng beer.

"That's too much, Ivan." sabi ko.

"Okay lang yan! Kaya ni Casadee yan, di ba Cas?" sabay abot ng baso.

Kinuha ito ni Casadee and slowly, she smelled it.

The Opposite PhenomenonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon