POB7

56 6 0
                                    

Una, nagdadalawang isip akong sumakay dahil hindi ako sanay sumakay ng jeep. Mas comfortable ako sa taxi. Nasanay na rin siguro.

Pero kalaunan, humakbang nalang din ako patungo sa bakuna ng jeep dahil nakakahiya na at huli na. Itong lalaking 'to nanggugulat, wala man lang sinabi at deritsong pumara ng jeep.

Limang tao lang naman ang sakay kaya napabuga ako ng hininga. I feel like, kung madaming pasahero.. parang na su-suffocate ako.

I hate crowded places. Masusuka ako na ewan. I'm not used to it.

Katabi ko si Cj at nasa likod ko pa rin ang backpack ko. I feel Cj's stare kaya tumingin ako sa kaniya. Nakatingin ito sa backpack kong nasa likod ko pa rin at halos idikit ko ang sarili ko sa kaniya.

I feel uncomfortable.

"Ayos ka lang ba?" sinilip niya ang mukha ko.

I blink as I nod my head at him as an answer. Do I look so obvious? I think so..

He looked so uncomfortable too while looking at my face. He looked bothered.

"Akin na 'yang bag mo, hindi ka makakaupo ng maayos niyan."

Sabay abot nito ng bag ko sa likod. Hinayaan ko siyang kunin ang bag at akala ko ibibigay niya sa akin pero hindi niya ito ibinalik sa akin. Siya na mismo ang nagdala nito at ikinandong niya sa kaniyang mga hita.

"Hindi ka talaga okay, eh. Ayos ka lang ba talaga? Bababa nalang tayo kung ganun." aniya nang pinagmasdan niya ako.

I do look uncomfortable here. I tried my best to look normal, but I failed.

Inilingan ko siya sabay takip ng bunganga niya nang akma niyang tawagin ang driver para makababa na kami.

"Ayos lang ako. I'm okay, I'm just.." I gulped, and I felt my head spinning.

Nasusuka ako nang malanghap ko ang baho ng jeep. Nahulog ang isa kong kamay na itinakip ko sa bibig ni Cj sa mga hita niya habang nakayuko at napapikit ng mariin.

"Ano? Natatae ka ba?" he whispered worriedly. I can smell his minty breath.

"Shut up. Just be quiet," I snapped as I tried my best to calm down.

I'm so close to him. He smells so good, and it helps me to calm down. Nakaharap na akong nakaupo sa kaniya habang nasa hita nito ang aking kamay na nagpapahinga.

Tumahimik nga ito at hindi na nagsalita. I felt his arms around my back. We're so close that I can hear his breathing.

Naramdaman kong may ibinigay siya sa babaeng may katandaan na nasa aking tabi. May utang na naman ako. Hindi ako makaangal sa pamasaheng pinasa niya patungo sa driver dahil parang wala sa oras, masusuka na ako. Nahihilo parin ako.

This is why I hate it if it's not air-conditioned transportation.

Naputol lang ang pagfo-focus ko para hindi ako masuka nang magsalita ang matandang babae sa tabi ko.

"Ang cute niyong magkapatid, hijo." she laughed a bit.

And what?! Magkapatid?!!! I wanted to face the woman but I can't. Hindi ako gagalaw dahil masusuka lang ako na ngayong nalalanghap ko na naman ang mabahong buga ng jeep.

"Ay, hindi ho. Kaibigan ko ho, Manang." I heard Cj answered. Nahimigan ko sa boses niya ang ngisi.

And what's funny?! Mukha ba kaming magkamukha para masabihang magkapatid?! The fuck!

"Ay, gano'n ba hijo? Ang po-pogi niyo kasing dalawa. Parang magkamukha na sa kapogian." the old lady laughed.

Ha ha! We're not, okay?! Hindi nilalandi ang mag kadugo. Jusko Manang, that's incest!

Presence of Bliss Where stories live. Discover now