PROLOGUE

48 0 0
                                    

Scriptwriter ako sa teatro. Mula pagkabata kasi hilig ko na ang paggawa ng mga plays na madalas ginagamit sa mga palabas sa school. Ayun nga ang pinatunguhan ko. Bukod sa masaya ako sa loob ng teatro dahil nakakapagsulat ako at nakikita ko yung finished product ng mga naisulat ko, masaya rin ako dahil nandoon sa Jared, isa sa mga malapit na stage actor sa akin. Bakit? Hindi ko rin alam e’ Basta napanood ko siya minsan sa isang palabas nila tapos hinangaan ko na ang galing niya sa pag-arte, pagkanta at pagsayaw.

“Hey Genius! So what’s our next play? Nasulat mo na ba?”

Si Jared  iyon. Ganyan siya. Maski sa script hands-on. Gusto niya siya ang unang makaalam ng kwento para daw mapaghandaan niyang mabuti at mai-set na niya ang sarili sa character na gagampanan. Madalas niya akong tawagin na GENIUS dahil daw sa galing ko sa pagsusulat.

“Sus nagsalita na naman tong’ si Mr. Talented. Ikaw na ang sumalo sa lahat ng talent na ibinigay ni Lord.”

“Weh? Haha. Talented ka din kaya. Feeling ko nga magaling ka kumanta e”

“Hay naku! Nananaginip ka na naman ng gising. Kelan pa ako gumaling kumanta. Nang-iinsulto ka yata e”

“Uy hindi no. Seriously, I really admire your talent. So what’s new? “

“Actually concept pa lang ang meron ako. Wala pang script. Pinag-aaralan ko pa yung magiging flow ng Act 1 and 2.”

“Ah well that’s good, looking forward on that. Sige Se-anne, I have to go. May family dinner kasi kami ngayon, saka I don’t wanna disturb you para makapag-concentrate ka sa script.”

Nakakatuwa talaga si Jared. Simple lang siya. Simpleng manamit, tshirt and shorts lang ayos na. Di mapili sa pagkain, siya pa nga ang pinakamatakaw kumain ng turo-turo sa amin. Despite na nanggaling siya sa mayamang pamilya, hindi siya mahirap abutin.

Sa mga simpleng galaw ni Jared, nahuhulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko namamalayang siya na lang ang nagiging dahilan kung bakit ako nananatili sa teatro samantalang nakapagtapos ako ng isang kurso na mas fixed ang kita at mas malaki. Hindi kasi ako kasing yaman ng pamilya niya e’ Kailangan kumayod para mabuhay. Kailangan suportahan ang mga magulang, kapatid at kung sinu-sino pang pinagkaka-utangan ng loob.

Naging malapit din lahat ng nasa teatro sa pamilya ni Jared, pano ba naman kasi sobrang supportive nina Tito Ram at Tita Jean sa kanilang anak. Panganay si Jared sa magkakapatid. Lahat sila talented sa pamilya. Si Kenneth, yung sumunod sa kanya ay isang magaling na vocalist ng banda. Si Clarence naman bibo at sobrang galing magperform kaya naman suki ng mga talent contest pambata. At syempre si bunso, si Ella. Pinakaka-close ko. Seven year-old lang siya pero sobrang ganda na ng timbre ng boses niya. Sabi nga nila, ang katapat lang ni Jared sa teatro ay si Ella.

One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon