CHAPTER 1 (POV ni Se-anne)

24 0 0
                                    

“Anak, bakit di ka pa kasi mag-apply sa mga Advertising Agency na alam mo, tutal naman Cum Laude ka at maganda na rin ang record mo sa Theater Company na pinagtratrabahuan mo ngayon, para naman anak di masayang ang pinag-aralan mo”, payo sa akin ni Mama.

Kung tutuusin tama si Mama. Nawalan din kasi ng trabaho si Papa ngayon kaya kailangan ko ng mas malaking kita. Yung kinikita ko naman sa teatro ay sakto lang para sa akin. Kung lilipat ako sa mga Ad Agency, at magiging copywriter mas lalaki ang kita ko at magagawa kong saluhin lahat ng pangangailangan ng pamilya ko.

Pero paano si Jared? Teka mali pala ang tanong ko. Paano ako kung wala si Jared? Alam ko naman kasing ayos lang kay Jared na umalis ako dahil alam niyang para sa pamilya ko kung bakit ko iiwan ang teatro.

One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon