CHAPTER 7 (POV ni Se-anne)

6 0 0
                                    

Hay nakakabwisit naman! Bakit ba ang daming hindrance sa pagsusulat ko? Gusto ko lang naman magsulat ulit e. Gusto ko ‘tong ibigay sa Creative Repertory, nakaka-miss kasi yung mga tao doon. Two years narin akong di nagpaparamdam sa kanila. Natatakot kasi ako na baka kapag nakita ko sila ulit bumalik ang lungkot ko. Syempre dahil napamahal narin sila na para bang totoo ko nang mga kapamilya at syempre dahil na rin kay Jared.

Bumalik na ko sa kwarto. Lutang sa kakaisip kaya hindi ko namalayang may nabangga na ko.

“Oopps, Jared”

Di ko namalayang nasabi ko ang pangalan ni Jared. Hindi ko pa rin tinitingnan ang nabangga ko. Kakahiya naman o.

Dumiretso ako ng tingi pero siya naman ang yumuko.

“Sorry po, kuya. Ahmm are you okay? Ahmm I’m really really sorry. It’s my fault”

Hindi ako tinitingnan ng taong nabangga ko. WEIRD. Kaya umalis na lang ako. Pero sa hindi ko maintindihang dahilan may parte sa utak ko na sinasabing lingunin ko siya. Nang lumingon naman ako nakalayo na yung lalaki. Bakit kaya sobrang weird ng mga taong nakakasalamuha ko dito sa Pagudpod? Hay.

One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon