CHAPTER 5 (POV ni Se-anne)

7 0 0
                                    

After ng pagkakapanalo ko sa isang patimpalak, inalok muna ako ng boss ko ng bakasyon. Sa Pagudpod daw. May beach resort daw si Boss doon. All-expense paid daw at may allowance pa. Sabi pa niya, ‘this is a reward for the most brilliant and trustee employee in my company’. Nakakatuwa’t na-a-appreciate ng boss ko lahat ng paghihirap ko. Hindi na ako tumanggi sa kanya. Sinunggaban ko na ang 1 month vacation ko sa Pagudpod. Time to relax sabi ko sa sarili. Mag-enjoy ka naman Se-Anne kahit na yung taong mas magpapasaya sa’yo hindi mo pa nakikita. Inalok ko ang ilang kaibigan na sumama pero halos lahat busy sila. Nagyaya din ako ng mga pinsan, kamag-anak, parents at mga kapatid pero sabi nila ako nalang daw. Okay fine. Ako na lang mag-isa.

                “Teka!!! Mahadera kang babae ka! Bakit hindi mo ako niyaya? Akala ko ba forever bessy tayo?”

                Si Ashi, Akashi tunay niyang pangalan. Bakla kong kaibigan mula pa noong high school. Hapon ang ama kaya ganyan ang pangalan. Kasalukuyang real estate broker ngayon. Hindi siya nag-ko-crossed-dress kaya naman kapag magkasama kami, napagkakamalan kaming magboyfriend. Minsan nagloloko ako. Sinasabi ko kay Ashi na kung wala akong mahanap na boyfriend pagsapit ko ng 30 years old, papakasalan ko nalang siya. Nagsuka ang Lola mo. Sabi ba naman sa akin ‘Anech ka ba tey? Baliw? Walang talo talo? Parehas tayong girlaloo, pinagkaiba lang may lawit ako’. Tawa ako ng tawa. Maski ganyan si Ashi, mahal na mahal ko yan. Siya lang ang natatakbuhan ko sa oras ng problema.

                “Hoy Ashi! Tampo ka na naman sa akin? Sabi kasi nina Sandra, di daw kayo makakasama dahil may mga kliyente pa kayo na imi-meet this week..”

                “Nako! Keribels lang yan teh! Wa akong pakels sa mga kliyente na yan. I’ve reached my quota for this month kaya payag ang boss ko na magliwaliw aketch muna. So isasama mo ba ako o hindi?”

                “Syempre naman sasama. Tinatanong pa ba yan? Mag-impake ka na.”

                “Yun yon eh! Kaya love na love kita atey! Maghahanda na ako ng swim suit, mga sampung pares. Lalalalala… Pearly shell from the ocean… I’m coming Pagudpod”

                Buti na lang at may makakasama ako sa bakasyon ito. Kala ko forever na akong loner sa beach. Agad akong nagpa-book ng flight sa Ilocos. May personal na kumukontak sa akin, padala ni Sir para daw hindi kami maligaw. Pagkababa pa lang namin ni Ashi ng eroplano, may sumalubong na sa aming isang lalaki at isang babae.Si Emir at Glenda, mga trabahador daw sa resort ni Boss.

                Dinala kami nina Emir at Glenda sa resort ni Sir. Sobrang ganda, parang paraiso. Ang laki ng kwartong ibigay sa amin. Tag-isa kami ni Ashi. Ayaw niyang kumwarto sakin dahil daw baka pagsamantalahan ko siya pag gabi. Natatawa na lang akong umuo sa kanya. Sabagay gusto ko rin mapag-isa sa gabi para makapagrelax.

Biglang sumigaw si Ashi.

“Atey!!!!!”

“O bakit? Napano ka?”

“Look! Look!” kulang na lang ingudngod na niya ako sa may terrace ng kwarto niya.

“Atey! I saw the beach! Ang ganda. Ang clean ng water. Bagay na bagay yung mga swim suits na dala ko. Teka, I’ll gonna give you something…”

“Teka ano na naman yan? Naku Ashi? Ginu-good time mo na naman ba ako? Hahalikan kita. Sige?” pananakot ko sa kanya.

“OA lang? Saka kadirs ka naman teh… Ito lang naman ang ibibigay ko sayo e”

                Inabot niya sa akin ang isang box. Binuksan ko at laging gulat sa laman. Three pairs ng two piece swim suit. Napalunok ako. Parang kapag sinuot ko to’ wala na akong maitatago pa.

                “Ano to? Pagsusuutin mo ako nito?”

                “Gaga! Ano bang sinusuot pag nag-swi-swimming? Diba swim suit? kaya binilhan narin kita. Buy 10 get 3 free. So free yan, binigay ko lang sayo para may magamit ka”

                “Pag sinuot ko naman kasi to para na rin akong naghubad. Ang liliit kaya..”

                “Ay… Bruha! Sunga lang teh? Sunga lang? Anong susuutin mo pag nagswimming? Gown? Pajama? Pantalon at long sleeves? Ay sos! Se-Anne! Di na uso ang manang ngayon. Tigilan na ang pag-iinarte. Okay?”

                “Eeee...”

                “Susuutin mo yan o lulunurin kita sa beach?”

                “Okay Fine! Hindi na lang ako mag-swi-swimming”

                “Bahala ka na nga sa buhay mo. Maharte ka masyado. Mag-ayos ka na lang sa kwarto mo at lumafang na tayo.”

                Kahit kailan talaga wala ni kapirasong hiya sa katawan tong si Ashi pero laking pasalamat ko na rin sa kanya at nandito siya. Matapos ko ayusin ang mga gamit ko ay nag-shower muna ako. Infairness sa bathroom, may Jacuzzi, mukhang yung pinakamahal na kwarto ang binigay sa amin ni Boss. After a while, sinundo na ko ni Ashi. Kumain kami sa restaurant ng mismong hotel. Masasarap ang mga foods, karamihan seafoods at favorite ko, especially tempura. Ang sarap lang mamuhay dito. Tahimik at walang mabigat na iniisiip, unlike sa Manila, bawat kilos mo may katumbas na stress.

One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon