CHAPTER 4 (POV ni Se-anne)

7 0 0
                                    

Kinabukasan, handa na akong sabihin kay Jared ang nararamdaman ko. Umatend ako ng practice para sa isang play na kasama siya, pero ang sabi ng mga co-actors niya ilang araw na din daw siyang hindi nag-pra-practice.

                “Hindi niyo ba siya tinawagan or pinuntahan man lang sa bahay nila?” tanong ko.

                “Ginawa na naming yan Se-Anne. We called him last week, sabi niya masama lang daw talaga ang pakiramdam niya. After three days, pinuntahan na naming siya sa house nila, but nobody’s home. Hindi na nga namin alam ang gagawin. Masisira ang play kung wala si Jared. E siya pa naman ang hinihintay mag-perform ng mga press.” Sagot ni William, bestfriend at co-actor din ni Jared.

                Dahil sa pag-aalala, I called Kenneth. Tinanong ko kung nasaan ang kuya niya. Sabi niya lang mayroon lang daw problema. Noong tinanong ko kung ano, naging mailap ang sagot ni Kenneth, parang pinagtatakpan ang kuya niya. Hindi ko na ulit inusisa. Mukha naman kasing wala akong mapapala. Mukhang kahit anong pilit ko sa kanila, hindi nila sasabihin sa akin.

                Until the day na nagpa-despidida ako. Lahat ng kaibigan kong matalik sa teatro dumating. Hinanap ko si Jared pero wala ni isang anino niya.

                “Mia wala pa rin bang balita kay Jared?” tanong ko sa isa sa mga kaibigan ko.

                “Wala pa Se-Anne. Pero last night tumawag pa siya kay Direk. Nagpapaalam din. I don’t know kung ano yung exactly na napag-usapan nila. Un lang kasi ang na-kwento ni Direk”

                “Aalis din siya sa Creative Repertory? Paano yung mga naiwan niyang play? Bakit di man lang siya nagtext or tumawag sa akin?”

                “Hindi ko nga rin alam kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking yon’. All of his roles binigay na niya sa mga understudy. I really hope na mapantayan nila ang galing ni Jared.”

                Hindi parin ako mapalagay sa kinikilos ni Jared. Ni hindi niya ako natext tungkol sa desisyon din niyang pag-alis sa Creative Repertory. Maski message nga lang sa FB or DM sa Twitter, wala  akong natanggap.

                Ano ka ba Se-Anne? Sino ka ba sa buhay ni Jared? Girlfriend ka  ba niya na lahat dapat ng kilos niya alam mo? Hindi ka rin namang kaibigang matalik para pagsabihan niya ng mga dinadala niyang problema. Isa ka lang kaibigan. Kaibigan PERIOD. Wala ng idudugtong pa.

                Hindi ko na muli nakita si Jared. Umalis na ako sa pag-te-teatro, dalawang taon na ang nakakaraan. Medyo nasanay na rin ako sa trabaho ko bilang copywriter. In fact, nanalo pa nga ako sa ilang mga prestihiyosong Award Giving Body in Advertising Industry sa galing ko sa pagsusulat. I’ve been working for just 2 years tapos na-achieve ko na lahat ng ito. I’m so blessed, pero kahit gaano na kaganda ang buhay ko hindi ko parin magawang maging masaya at makuntento. Si Jared parin? … Malamang Oo. Siya pa rin. Sa dinami-dami ng mga lalaking nag-aalok sa akin ng kasal, wala akong sinasabihan ng yes. Yung ‘YES’ ko ibibigay ko lang sa taong totoong mahal ko. Baduy man isipin but it’s TRUE LOVE. Siya ang first, last and eternal love ko. Mukha ngang habang buhay na kong maghihintay e kasi hanggang ngayon, wala parin ang Prince Charming ko. 

One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon