Isang araw nakapagdesisyon na ko. Matapos iyon ng huli kong palabas na isinulat. Tulad ng dati, nagiging buhay ang mga character na ginagawa dahil sa galing ng mga kasamahan kong actor sa teatro lalong lalo na si Jared. Kapag nakakarinig ako ng malalakas na palakpakan, naiibsan lahat ng pagod ko. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakawala ng lahat ng problema.
“CONGRATS!” Si Jared, sabay yakap sa akin. Sobrang higpit. Pakiramdam ko nga hindi na ako makakahinga. Nanghihina ako. Gusto kong matumba tutal naman andyan ang mga bisig niya para saluhin ako.
“Ui Se-Anne okay ka lang? Para ka namang tuod dyan. Ano ka ba? Let’s celebrate! You’re the best playwright I’ve ever met.”
“Best? Sobra ka naman. Marami pang mga writers na mas magaling sa akin no. Nakakalaki na ng ulo yung mga papuri mo.”
“No. Magaling ka talaga. Walang halong pambobola. Kaya naman love na love kita e”
Tama ba ang narinig ko? Love na love? As in mahal na mahal? Tiningnan ko ulit si Jared sa mga mata. Patay-malisya. Mukhang mahal niya lang talaga ako bilang kaibigan. Nakakalungkot man isipin pero handa akong maghintay. Mahal ko kasi siya.