“Te ang KJ mo... Bahala ka iiwan kita dito” pangungulit na naman ni Ashi.
“Okay nga lang sa’kin. Mag-enjoy ka lang. Magsusulat lang ako. Na-miss ko din to”
“Magsusulat? Na-miss mo? Adik lang tey? Trabaho mo yan diba? Copywriter ka nga e... tapos sasabihin mo sa aking na-mi-miss mo na magsulat. Ilang oras pa lang tayo sa Pagudpod, wag mong sabihing gusto mo na lumarga papuntang Manila... Hay nako sorry mag-isa ka!”
“Hindi naman yun e... Gusto ko ulit magsulat ng play, ng story...”
“Ahhh... edi sige! Maligayang pagsusulat,basta ako liligaya ako sa dami ng mga boys sa labas. Te ang ya-yummy nila. Tuloy-laway effect”
“Adik ka talaga. Sige na! Enjoy!”
Bigla na naman akong sinumpong ng katamaran ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero inaakay ako ng mga kamay ko magsulat... hindi ng kahit anong tungkol sa mga patalastas kundi ng isang istorya, tulad ng ginagawa ko dati.
Naalala ko na naman si Jared. Kamusta na kaya siya? Sana okay lang. Babatukan ko talaga ang mokong na yun sa oras na makita ko siya. Kinuha ko ang ballpen ko at notebook para magsulat. Hindi kasi ako sanay na sa laptop agad mag-uumpisa mag-type. Sa di malamang dahilan hindi ko maumpisahan ang istoryang gusto ko isulat. Nasa isip ko lang ito. Hindi ko mailapat sa mga papel. Siguro kailangan ko lang ng inspirasyon.
Lumabas ako. Maraming tao sa beach. Yung iba nakapalibot sa bonfire, at isa na dun si Ashi. Mukhang nakakita na naman siya ng mga bagong kaibigan. Hindi ako lumapit sa kanila. Gusto ko lang mapag-isa kaya tumungo ako doon sa tahimik na area. Ang sarap lang ng simoy ng hangin. Nakaka-relax. Kinuha ko agad ang notebook at ballpen ko. Nang aakma na akong magsusulat may lalaking nagsalita sa likuran ko.
“My 30 days diary...”
Aba! Ang kapal naman ng mukha ng lalaking to para basahin ang sinusulat ko!
“Yes? Hindi ba naituro sa’yo na masamang makialam ng bagay na hindi sa iyo?”
“Sorry Miss, but I didn’t do anything. In fact binasa ko lang naman yang sinusulat mo...”
Grabe! May mga taong bastos parin hanggang dito sa Pagudpod!
“Yeah you’re right Sir! Binasa mo ang ginagawa ko... and for me pakikialam na yun...” Humarap ako sa kanya and I saw a handsome man. Not so dark, not so tall. Thick eyelashes. Brown eyes. Well mas lamang pa rin sa akin si Jared.
“Sorry Miss, masyado ka naman atang naging sensitive. Okay. My fault. Di na kita gagambalin. Basta say your name. By the way, I’m Ian. So you are?”
“ If you’ll promise to go away, I’ll say my name”
Tumango si Ian.
“Okay. I’m Se-anne Rodriguez.”
“Se-anne Rodriguez? Seems familiar yung name mo. I just don’t remember kung saan ko narinig yang name na yan, but...”
Tumayo na si Se-anne.
“Sorry ha. But I have things to do pa. Kung hindi ka aalis, then ako na lang.”
“Okay Ms. Rodriguez. Nice meeting you then.”